Quantcast
Channel: poetry – Jose Maria Sison
Viewing all 26 articles
Browse latest View live

I Wish to Be Taken for Granted

$
0
0
By Jose Maria Sison I wish to be taken for granted Like the wind that you breathe Like the sunlight on your face Like the ground at your feet Like the water that you drink. I wish to be taken for granted Like birdsong lofted by the breeze Like wood on fire for your comfort Like the grass greening the field Like the silent swan afloat on the pond I wish to be taken for granted Like the workers in the factories Like the tillers in the farms Like those who dwell in schools Like those who recreate the world. I wish to be taken for granted But I shall smile with satisfaction If some people sometimes remember That I did what I could in my time To add to what is now commonplace. One new generation after another Shall create new ideas and new things To surpass the feats of the past There are no limits but the sky, The sun, the earth and the waters. July 25, 2012

LAUNCH OF THE NEW BOOK OF POEMS, THE GUERRILLA IS LIKE A POET

$
0
0
Jose Maria Sison. Foreword by Jonas Staal. 2013 ISBN: 978-90-817091-8-7 296 pages | 5,25″ x 8″ Language: English, Pilipino Price: 15,00 Euro This book is titled after the world-renowned poem of Jose Maria Sison, “The Guerrilla Is Like a Poet,” which celebrates with natural imagery and in a lyrical way the Filipino people’s revolutionary struggle for national liberation and democracy against foreign and feudal oppression and exploitation. The book contains poems from Sison’s Prison and Beyond, which won the Southeast Asia WRITE Award, as well as new poems that further develop the theme of struggle for national and social liberation as well as exile. It also carries articles of creative writers on the significance and relevance of his poetry. Sison is a Filipino revolutionary with extensive guerrilla experience and has been a recognized poet since his student days at the University of the Philippines. The publication of this book has been sparked by the effort of the Academy for Cultural Activism of the New World Summit to present the people’s culture in the national democratic struggle in the Philippines.   AUTHOR’S PREFACE I am delighted and honored that my book of poems, The Guerrilla Is Like a Poet and Other Poems,  is published in connection with the project of the Academy for Cultural Activism to present  to artists  and students in The Netherlands the role of art and literature  in the struggle of the Filipino people for national liberation and democracy. I thank Jonas Staal of the Academy for Cultural Activism and Dr. Vincent van Gerven Oei of Uitgeverij for asking me to make the selection of poems, juxtapose the Pilipino and English versions and include commentaries that shed light on the significance, content and style  of the poems and on my track record in the new democratic revolution of [more]

THE PEOPLE’S CRY FOR JUSTICE

$
0
0
By Prof. Jose Maria Sison Opening Statement in Prose Poem (Proem) at the Open SourceTribunal at Nicolai Church in Utrecht, Netherlands on 23 November 2013 Case: National Democratic Movement of the Philippines Versus Those Responsible for the Unnatural Disaster related to Super typhoon Haiyan The bewildering winds howled from afar, Then came suddenly screaming into the ears Of the people as rooftops flew like hats And walls tumbled down like cards. The teeming huts of the poor toilers crumbled So did the few houses of the middle class. The winds showed no respect to the churches And shook the solitary mansions of the powerful. The flying and falling parts of every structure Killed and injured people in great numbers. The sea rose like a mountain close to the shore And surged to engulf the people and shambles. It swept and carried them away as flotsam Killing more people than did the monstrous winds. As if death by drowning were not enough, The loss of food stocks and the plenitude of dirty brine Caused maddening death by hunger and thirst As the crucial days passed without rescue and relief From the high bureaucrats who had promised these Before the super typhoon and storm surge. The highest and most corrupt of the bureaucrats Had boasted that planes, ships and relief goods Were ready to come to the aid of the people in distress. But none came for a long while as hunger, thirst, illness And death stalked 15 million people in 32 provinces. As people cried for loved ones lost amidst the wreckage And the stench of the dead, he depicted the victims as looters To obscure his crime of having vetoed public funds For pre-disaster preparations and for having pocketed Every year the calamity fund in billions of pesos. We accuse [more]

THE PEOPLE’S STRUGGLE FOR JUSTICE

$
0
0
By Prof. Jose Maria Sison Closing Statement in Prose Poem (Proem) at the First Session of the Open Source Tribunal on the Philippines at the Nicolai Church in Utrecht on 23 November 2013 We are grateful to the tribunal for giving due course To the people’s charges and demands, For heeding the people’s cry for justice Against the crimes that comprise the social disaster Aggravating the devastation by super typhoon Haiyan. Grave are the crimes of corruption and incompetence Preventing pre-disaster preparations to secure the people, Obscuring the sea surges with the monstrous winds Promising planeloads and shiploads of rescue and relief But making the people suffer hunger, thirst, illness and death. We must help raise a stronger super typhoon of the people To smite the imperialist  criminals culpable for global warming And the lack of emergency shelter, food, water and medicine, The delay and paucity of relief and rehabilitation And the looting of funds and supplies by the corrupt puppets. We must arouse, organize and mobilize the people To hold assemblies to condemn the crimes and the criminals, To carry out the people’s judgement against the imperialists And their puppets who scheme and collaborate In robbing the people of their natural and social wealth. If we waver in our determination to go after the criminals, They will surely continue to generate their  super typhoons Of propaganda to blame their own victims of greed and terror, Their super typhoons of super-exploitation and social disasters, Whether or not there are natural disasters. The vultures are hell-bent on making bigger disasters. The imperialists invoke Haiyan to escalate military intervention, To bring in more investors for exploiting the people and the land, And to load the country with a heavier debt burden In the name of reconstruction but in fact  to benefit themselves. [more]

POEMS IN HONOR OF ANDRES BONIFACIO IN PILIPINO & ENGLISH BY JOSE MARIA SISON

$
0
0
30 November 2013 at 01:49 PARANGAL KAY ANDRES BONIFACIO Tula ni Jose Maria Sison Gaano kadakila si Ka Andres Bonifacio? Di siya naniwala na banal at palagian ang kaayusang Kolonyal at pyudal na pinagharian ng sakim at lagim. Suklam siya sa sabwatan ng espada at krus. May tiwala siyang mananaig ang sambayanan Pag nagkaisa’t nangahas lumaban sa mang-aapi. Gaano kadalisay si Ka Andres Bonifacio? Nagpasya siyang maglingkod sa bayan Para ipaglaban ang pambansang kalayaan, Kamtin ang katarungan at kaunlaran. Nag-alay ng buhay at handang mamatay Para sa bayan at maaliwalas nilang kinabukasan. Gaano katalino si Ka Andres Bonifacio? Hango ang kaalaman sa kasaysayan At kalagayan ng masang anakpawis Na nagdusa, nagsikap at umasang Makalaya sa pagsasamantala at pang-aapi Ng mga among dayuhan at lokal na ganid at malupit. Gaano kadunong si Ka Andres Bonifacio? Higit pa sa mga nakapagpamantasan Na walang alam o pakialam sa naghihinagpis Na mga anakpawis at sa kung ano ang kaya nilang gawin. Higit pa sa mga di nagbasa o di nakasapol Sa diwa ng kalayaan, kapantayan at kapatiran. Gaano kagiting si Ka Andres Bonifacio? Itinayo ang Katipunan sa kabila ngpananakot Sa paghuli kay Rizal at pagbuwag saLiga. May pasyang lagutin ang tanikalang kolonyal Ihayag ang kasarinlan at pamunuan ang rebolusyon. Sa gayon, naging Ama ng bansang Pilipino. Gaano kahalaga si Ka Andres Bonifacio? Kung paghahambingin, tumanggi si Rizal Sa dibdibang alok na pamunuan ang rebolusyon. Kung paghahambingin, naisahan ni Aguinaldo ang Supremo Ngunit marangal ang bayaning martir At kahiya-hiya ang taksil at maulit na palasuko. Gaano pa kahalaga si Ka AndresBonifacio? Ang pinamunuan niyang rebolusyon ang nagbukas Ng landas ng demokratikong rebolusyon sa buong Asya. Sa gayon, napakataas ng karangalan ni Bonifacio Tungo sa pamumuno ng kanyang uring proletaryo Sa panahon ng bagong demokratikong rebolusyon. Patuloy na inspirasyon natin si Ka Andres Bonifacio, Patnubay natin [more]

Saudações vermelhas, camarada Sison!

$
0
0
Saudações vermelhas, camarada Sison! July 31, 2014 at 2:10am Saudações vermelhas, camarada Sison Herói do povo filipino, Como Andres Bonifácio, e Crisanto Evangelista Obrigado por dar sua vida,Sabedoria, coragem e decisão Para avançar a Revolução, Do proletariado e do povo Saudações vermelhas, camarada Sison, Por seus grandes feitos Saudações vermelhas, camarada Sison, Viva você! Viva você! Saudações vermelhas, camarada Sison, Nas fábricas, fazendas e minas Escolas, escritórios, ou em qualquer lugar Suas obras são a luz, e a arma de luta Para a Nova Democracia Até que o socialismo seja alcançado, E completamente desenvolvido. Saudações vermelhas, camarada Sison, Por seus grandes feitos Saudações vermelhas, camarada Sison, Viva você! Viva você! Uni-vos e levantai vossos punhos Erguei as bandeiras vermelhas A luta do povo, Avançará e conquistará a vitória Saudações vermelhas, camarada Sison, Organizador da juventude, dos operários e camponeses, Um grande combatente Você atravessou as planícies, Montanhas e florestas, Você cruzou rios e mares, Para iniciar a Guerra Popular. Saudações vermelhas, camarada Sison, Por seus grandes feitos Saudações vermelhas, camarada Sison, Viva você! Viva você! Não importando as dificuldades e os perigos Você lutou para derrotar o inimigo Não importando o quão forte estava o sol Não importando o quão forte estava a tempestade Você construiu o Exército Popular, Treinando, marchando e acampando, Nos assaltos e ofensivas, Saudações vermelhas, camarada Sison! Saudações vermelhas, camarada Sison, Por seus grandes feitos Saudações vermelhas, camarada Sison, Viva você! Viva você! Uni-vos e levantai vossos punhos Erguei as bandeiras vermelhas A luta do povo, Avançará e conquistará a vitória! Saudações vermelhas, camarada Sison, Seu compromisso é firme, Mesmo ao risco da morte, Mesmo sofrendo as torturas, Dos fantoches fascistas, e dos imperialistas. Você é um exemplo brilhante, Para o país e o mundo! Saudações vermelhas, camarada Sison, Por seus grandes feitos Saudações vermelhas, camarada [more]

AWIT NG KABATAANG MAKABAYAN

$
0
0
Written by Jose Maria Sison Music by Felipe De Leon Arrangement by Neil Legaspi Performed by People´s Chorale and Musicians for Peace Technical Assistance by Tudla Productions Video excerpt from ¨Joma Bilang Kabataang Aktibista¨ documentary

AWIT NG KABATAANG MAKABAYAN

$
0
0
Published on Jan 28, 2015 AWIT NG KABATAANG MAKABAYAN Lyrics by Jose Ma.Sison Music by Felipe de Leon, Jr. Kami ang kabataang makabayan Bisig ng manggagawa´t magsasaka. Lakas at pag-asa ng buong bayan Sa lunsod at sa mga lalawigan. Aming layuni’y paunlarin ang ating bayan Ibagsak ang asenderong salot ng bayan. Kami’y lumalaban sa kaaway ng bayan Mapang-aping kapitalistang dayuhan. Kami ang kabataang makabayan Sagisag at ningning ng kalayaan. Kami ang kabataang makabayan Apoy ng pagkakaisang walang hanggan.

Nakakabighani Pa Ang Gubat

$
0
0
Lumayas na ang mga sumpunging anito at diwata Mula sa matatandang puno at sukal, Madidilim na yungib at puntod sa mga lilim, Malulumot na bato at nagsisibulong na sapa. Nawalan na ng katakatakang kapangyarihan Ang bukubukong mga balete at mga uwak. Ang kawalang-tiyak ng sinaunang mga panahon Ay hindi na makapanggulat at makapanakot. Maingat na pumipintig sa gubat Ang katiyakan sa ibabaw ng mga katiyakan Ng pagputol ng kahoy, pangangaso Pag-ani ng mga prutas, pulot-gata at orkidiya. Subalit nakakabighani pa rin ang gubat Bagong himig ang nasa hangin Bagong hiwaga ang nasa malalim na luntian, Sabi ng mga magsasaka sa kanilang mga kaibigan. Nananaig ang iisang mapanlabang diwa Para bitagin at gulatin ang mga nanghihimasok.

PH MANGOES FROM BONG LABOG & KMU,

$
0
0
Photos by Mitchy M. Saturay Updated 2 hours ago Rica Nepomuceno sings: Sometimes, the Heart Yearns for Mangoes By Jose Maria Sison March 30, 1994 Sometimes, the heart yearns For mangoes where there are apples, For orchids where there are tulips, For warmth, where it is cold, For mountainous islands, Where there is flatland. Far less than the home, And the flow of kith and kin, Unfamiliar and now familiar Things and places trigger The pain of sundered relations, Of losses by delays and default. Direct dialing, fax machines, Computer discs and video casettes And visitors on jumbo jets, Fail to close the gap Between rehearsed appearances And the unrehearsed life at home. There are colleagues and friends That make a strange land loveable. But they have their routines, Their own lives to live, Beyond the comprehension And pertinence of the stranger. Those who seek to rob the exile Of home, kith and kin, Of life, limb and liberty Are the loudest to mock at him Who is helplessly at sea, Uprooted from his soil. The well-purposed exile continues To fight for his motherland Against those who banished him, The unwelcomed exploiters of his people, And is certain that he is at home In his own country and the world.

ISINAPILIPINONG MGA TULA MULA SAPRISON AND BEYOND NI JOSE MA. SISON

$
0
0

Salin ni Gelacio Guillermo
http://www.geocities.ws/ipasa_pagkabasa/piitan.html
Jose Ma. Sison, Makata ng Proletaryado
ni Gelacio Guillermo

Nakahanay si Jose Ma. Sison sa mga lider ng proletaryado tulad nina Mao Zedong at Ho Chi Minh na may natatanging hilig sa pagsulat ng tula. Sa gitna ng praktikal na pamumuno sa rebolusyonaryong kilusan, o sa samut-saring kalagayang hinaharap ng mga rebolusyonaryo sa pagtupad ng tungkulin, nakakahanap sila ng panahong ipahayag ang saloobin tungkol sa sarili, sa mga minamahal, sa lipunan at rebolusyon. Ang gawaing ito ay dagdag sa pagkilala sa kanila bilang mga indibidwal na naninindigan sa mga pundamental na pagbabago sa kani-kanilang panahon at bayan.

Sa mga makatang tulad nila, si Sison marahil ang may pinakamahabang praktika sa pagsulat ng tula, aabot na sa limang dekada, mula dekada singkwenta bilang mag-aaral (AB English Literature) sa Unibersidad ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan bilang political refugee sa The Netherlands, katayuang ngayo’y nalalagay sa panganib dahil sa pagbansag sa kanya ng imperyalismong Estados Unidos at Unyong Europeo bilang “dayuhang terorista.” Bunga nito, nagkakaroon ng dobleng halaga ang mga tula bilang talaan ng mga tampok na bahagi ng kanyang buhay bilang guro at rebolusyonaryo, at ng pag-unlad ng kanyang panulaan mula sa asta ng panandaliang paglalarong linggwistiko ala-James Joyce (“By cokkis lilly woundis”) hanggang sa pinakasimpleng pagsusuma ng isang napakakumplikadong buhay sa walang humpay na pakikibaka (“In the Dark Depths”/Sa madilim na kailaliman)

Sa isang pambihirang paglalahad ng ars poetica, sinabi ni Sison:

Ipinalalagay natin dito na para mahinog at lumalim, dumaan na ang makata sa matagal at dibdibang proseso ng paghantong sa isang paningin-sa-mundo, ng pagpapayabong ng kanyang buhay sa pamamagitan ng mga karanasang personal at kolektibong praktika sa kapwa, ng pagpapakabihasa sa wika at pagkatuto sa mga batikang manunulat, at kaalinsabay ay ng pagpapahusay ng sarili niyang kasanayan sa sining. Pero para lumikha ng tula, kailangang magtrabaho ang makata sa larangan ng matulaing imahinasyon, tuluy-tuloy o kahit man lang sa mahaba-habang panahon sa pana-panahon. (Author’s Note, p 12, sa Prison and Beyond, Selected Poems 1958-1983. Akin ang salin-GG)

Hindi malayong inilalarawan niya rito ang proseso ng sarili niyang pag-unlad bilang makata/rebolusyonaryo, na mangyaring sundan ng iba.

Alam natin ang lugar ng tula sa buhay ni Sison, anuman ang mangyari, anuman ang kanyang maging kalagayan saanmang lugar at panahon. Sa isang tula, anya:

….
….ang mga tulang aking binubuno Ang marurubdub kong katoto. (“Poems and Rest” 10 May 1978)

Alam din nating nakalugar ang kanyang mga tula sa buhay at pakikibaka ng sambayanang Pilipino.

Unang binasa sa “Gabi ng Pagpupugay kay Propesor Jose Ma. Sison” sa pamamahala ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), l4 Nobyembre 1002, UP Faculty Center.

Ang mga tula:

Baykokisliliwundis
Karnabal
Ang larong imperyal(ista)
Masaker
Itong mga magbabasura
Kapatid
Nakaturo paitaas ang madidilim na sibat ng oras
Lawing ginto
Mula Pilipinas hanggang Byetnam: mga ibong mandaragit
Ang gerilya’y tulad ng makata
Ang beteranong walang saysay at ang mga dragon ng kanyang mga panaginip
Sa ulan
Pagpuri sa mga martir
Paano maging bayani
Ako’y laging kasama ninyo
Walang iinam pa
Ang aking sandatang ispiritwal
Ikaw ang asawa’t kasama ko
Pugon
Sa madilim na kailaliman
Perlas
Ginto
Tula at pahinga
Ang pagdating ng ulan
Ulan at araw sa bundok
Ang gitnang patag
Angalo, o Angalo
Mga bahagi ng isang bangungot
Ang tulang patalim

 

Baykokisliliwundis

Sa matubig lumuwal ang payatot na linta
Bulag, pinagpala, malagoma para mapahaba pa
Ang pagpapala niya’t pagpapaputi sa laman bilang laman
Berde, madulas na likod, matingkad na dilaw nakaguhit
Sa nakaamba bihasang mga punyal, mga pinong karayom
Wari’y may tagabulag sa pagsipsip ng dugo sa komunyong tao’y tao ang nilalaklak
Nag-iiwan ng makating pantal, gawa niyang tunay, makasalanan
Baykokisliliwundis!
Budburan ng asin o apog o hayaang dumikit at malaglag!

“By Cokkis Lilly Woundis,” 1958

 

Karnabal

Ang karnabal na paulit-ulit, gintong kalasag
Umiikot sa binuwisang pamamayani ng dilim
Dinadakma’t tinitipon ang mga bituin
Sa marahas na liwanag, tumitiling
Sambahin ang sukdulang maibenta.

Ang itsurang walang puno’t dulo, ang mapaglarong bakod
Na mga karatulang marangal manlinlang
Ay bumubukas sa bayad sa kumikitang geyt
Na nagpapatuloy tulad ng isang magalang na pusa-
Ang pambungad na paghahari ng mga burukratang nasusuhulan
Sumusunod sa makasariling patnubay ng pangkalahatang tuntunin
Sa magastos na tawaran para sa pwesto’t gusali.

Sa kalagitnaan ng naninikip na kabilugan
Ang masisiglang bugaw ay naghahabi ng marahas na kaibuturan;
Itinatago ng magarbong porma ang mga trabahador
Na nagtayo at nagsasabalikat nito, parang si Atlas.
Ang mga toldang pangmonopolyo sa magulong ayos
Itinatanghal ay ang pinakamagagaling na gawa ng mga hayop
na nakatutok sa kliyente.
Ang mga pulitiko’t lisensyadong ispesyalista’y
Sirkero sa pagbalanse at pagbaligtad,
Nagsasakabayo, leon, elepante
Oso at matsing.
Bagay na komedyante sa tabi-tabi ang nagdudunung-dunungan,
Kupkop ang kanilang kinastang agimat;
Naghahandog ang mga palabas ng mga anomalya, tulad ng
Mga makatang nagpapatawa’y sinisiryoso,
O kung siryoso’y pinagtatawanan naman.
Isang tsonggo ang kumukumpas sa simponyang nakaplaka.
Naghahandog ng mga pekeng tapat sa orihinal tulad ng
Orihinal na ahas sa ipinagbawal na punungkahoy
At batang sobrang laki ang burat.
Ang mga peepshow ay may hatid bukod pa sa sinisilip:
Mga mapagkawanggawang ginang na nakikipaglambutsingan sa mga dyigolo;
Nakakasiya ang sala-salabat na mga salamin sa kanilang sarili lang ang iniibig;
Libreng pumasok sa bahay ng lagim
Salamat sa kumpanya ng inuming pampalamig.
Ang tanawin at kalkuladong bilis ng ferriswheel.
Flying saucer, duyang eroplano, roller coaster,
At tren-trenan – pinamamalagi ng lahat ng ito ang kahindik-hindik na panahon
Ng daigdig na karnabal ng mga kantanod
At lumalaking mga bata, ang karnabal na iniiwang kalbo ang patag
Matapos ang gabi ng pagpuputong sa makwartang musa.

“Carnival,” 1959

 

Ang Larong Imperyal(ista)

Nakakubli sa ngiti ng negosyante ang isang switik
May kending patikim at nakalaang presyo
Sa mga aliping sanlaksa ang pasasalamat. Walang latigo’y
May ngiting radyoaktiv naman ang mamang kulay-araw,                sinasantong dyablong pinakamatinik
Pumapakyaw ng kawawang mga kalul’wa sa baseng pandepensa
Walang palya’y tahimik pa – ang swabeng tiranong
Walang kamay ay lumilingkis sa mga anakpawis sa bukid at tambakan
Kanilang murang dugo ang pampatigas
Sa tulay na bumibigat sa kwarta (ayon sa mga ninuno).

“The Imperial Game,” 1966

 

Masaker

Siyam na gabi makaraan ang masaker
Isang lalaking nakakabayo’y
Mabilis na bumagtas sa lagusan ng kalabaw
Kasunod ang mga lalaking hubad at sugata’t nagwawagayway
Ng mga kayumangging banderita
Ng namuong dugo’t putikang saplot
Hinabi ng mga asawang matimpi, ngayo’y pinangingipuspos ng pagluluksa,
Ngayo’y sarili ang hinahambalos ng nobena ng dalamhati.

Bago nitong siyam na gabi, dumating ang mga lalaking itim,
Nakaunipormeng itim,
Aroganteng bisitang
Nagtatatawag ng pangalan,
Isinisigaw ang utos sa bawat pinto,
Hinahaltak ang natumba, ang tulog sa sahig-kawayan,
Tinatadyakan ang mukhang gulantang,
Tinitipong parang tupa ang matitipuno
Sa talim ng bayoneta sa kalsada ng kamatayang
Ginugwardyahan ng mga sundalong habol ay tansong medalya.

Doon, sa mahabang kalsadang pangkalabaw
Palaruan ng mga batang-baryo
Nilalansi ng mga eksperto sa tortyur ang makatarungang poot
Para pigain ang lihim ng mga lagusan sa gubat.
Tumambad sa bulag na sawaling dinding ang salot
Tinupok ng nakapanlulumong kaguluhan ang mga dampa
Habang kinakaladkad ang ama, anak, asawa at kapatid

Patungong ilog sa likod ng gumigiray na kapilya
Para sa isa pang banal na digma ng mga taong itim.
Sa dilim, isang mapagmalasakit ang nagsabi,
“Luminya lang ng tuwid dito sa pampang
Sumunod at nang makauwi na.”
Sila nga’y sumunod, at pumula ang ilog.

“Massacre,” 1960

 

Itong mga magbabasura

Itong mga magbabasura, pinagpalang mga anak ng tapang,
ay namimilipit
Sa ritwal ng paghihirap, sanay, parang langaw.
Walang sermong nag-aabang sa kanila sa kanto
Sinusunggaban nila ang tagos-sa-kaluluwang pribilehiyo sa mga
basurahan
At mamasa-masang bunton ng tae para mapanumbalik ang kanilang
laman at hininga.
Sumusunod sa palad ng mga ama, nanghihina’y mabilis silang kumakain
Bago dumagsa’t umagos ang mga isda’t tinapay.
Bumabagsak sila sa katigangan ng sementado’t
Aspaltadong mga lansangan sa syudad; ang hingal at sukal ng semento’t
asero’y
Walang bungang dulot, sila’y walang dinidiligang tagong tumana.
Wala kahit kapirasong lupang sinlapad ng puntod ang magbibigay sa
kanila
Ng malinis makakaing usbong, ang tira-tira sa mundo ng basura ang
kanilang minimina
At sanay na isinusubo sa kanilang galis-bungangang
Mahigpit kumagat sa mga sumpang sa kung saa’y hinalikan sa gintong
tasa’t
Nginatngat nang may maputla’t mahinhing bahid ng seremonya.
Habang ang kanilang mga kapatid sa baryo ay hilong nagbubungkal ng
ng lamang-ugat, ang mga magbabasura’y
Nagbubungkal ng pira-pirasong papel at boteng basag-basag
Sa yupiyuping dram sa ilalim ng maitim at manhid na mga poste ng ilaw.
Bago kumain, nag-uunahan sila patungong palengke
Matapos ang patas, mapuyos na laban sa mga langaw na nagyayabang ng
kanilang kalayaan.
Sila’y dinaluyong ng mga paninda at burloloy at mga bagay na napag-
iwanan na’t itinatangi,
Sila’y nilamon ng mundo bago makatikim ng kahit mumo nito.

“These Scavengers,” 1960

 

Kapatid

Ligid ng luntiang dahon ang kapatid ko’y nalugmok.
Sa kanyang noo ang kanyang paniniwala’y pinapula
Ng bala, lagpas sa mata, tagos sa utak,
Umaagos ang dugo patungo sa nakabukang bibig niyang
Hinagkan sa wakas ng kamatayang sinta ng gutom.

Doon sa gitnang dako ng bansa, ang walang masulingang
Bangkay ay pinaggugulpi sa tiyan ng mga puluhan ng riple.
Tumilapo’y sambungkos ng lamang-ugat, bungang-ligaw.
At patakbo-takbo ang sundalo-kapatid-mamamatay-tao, bitbit ang                de-rapidong baril ng dayuhan
At ibinulsa ang baryang bayad sa pagpaslang.

Habang nananalasa ang aking kapatid sa sarili niyang mahal na kapatid
Sa parang, sa gubat, sa bundok at ilog
Magilas na nagpapakana ang kakarampot na mga dayuhang de-tuxedo,
Nakikihalakhak sa kuntodo-pusturang pinagpipitaganang mga kababayan
Sa magagarang gusaling abot-tanaw ang mga daungan.

Sa mga panauhi’y may pari at puta
Sinasalat ang mga bulsa, ayos na ayos
Sa pagbebenta ng grasya sa kanilang sinasanto.
O kapuspalad kong kapatid na nalugmok, kaylayo mong nakahimlay
Habang ang isa pang kapatid ay dumudurog ng tuyot mong lalamunan,                pagtupad sa pangkalahatang atas.

“Brothers,” 1961

 

Nakaturo paitaas ang madidilim na sibat ng oras

Nakaturo paitaas ang madidilim na sibat ng oras
hatinggabi at ang walang katao-taong plasa ay saklot
ng itim
patay na hangin, at ang mabigat na katahimika’y
nakadagan
sa simbahan, sa bahay ng asendero at sa munisipyo.

Nakaturo paitaas ang madidilim na sibat ng oras
ang nakaririnding huni ng mga kuliglig ay gumagapang
sa damuhang
tila mga espadang nakalutang, tinutusok tulad ng milyong aspile
ang himpapawid na walang kabitu-bituin
binabakas ang laksa-laksang bituing ipinukol
sa mga bitak sa kalupaan.

Nakaturo paitaas ang madidilim na sibat ng oras
ang hugis-pagong na pitong bundok na pumapaligid
sa bayan ay gumagapang
at sumasabog sa maninipis na aninong naglipana
sa mga tuyong kalyeng
inuka ng mapupurol na kareta ng kalabaw na lumalangitngit
sa araw ng tyangge.

Nakaturo paitaas ang madidilim na sibat ng oras
sa mataas niyang silid, tulog na naglalakad ang napakatabang kura
patungong bintana
at binabantayan ang malabong laro ng mga ulap
ng mga matang may kulaba
nananakit sa pagtitig sa madamong plasang nagluwal
ng kioskong sabukot.

Nakaturo paitaas ang maiitim na sibat ng oras
ang bahay ng asendero, tulad ng isang napakalaking pusa, ay           naglalakad
nang buong kinis
sa loobang nababakuran ng mataas at makapal na bato
at kahol ng mga asong parang nakakita ng multo
ang alertong tulog ng mga gwardya’y hapong naglalakad
sa labasan.

Nakaturo paitaas ang maiitim na sibat ng oras
batbat ng nakapanghihinang kapaguran ang munisipyong puno
ng bilanggo
pinagpahinga ng gabi-gabing parusa
ang kanyang makakapal na pamalo, lubid at latigo
tapayan ng tubig, upos ng sigarilyo, bota
kulungan ng mga daga at taeng pagkain.

Nakaturo paitaas ang maiitim na sibat ng oras
ang makilos na katawan ng mga taumbaryo ay nagsasayaw
tigib ng determinadong kisig
tinutunton ang maninipis na bakod ng nakikiisang karaniwang taga-           bayan
at sumunod, puno ng pangamba
ang makakapal na sementong pader
na may pangunahing halaga.

Nakaturo paitaas ang maiitim na sibat ng oras
ang pabulwak na ikid ng mapangahas na mga mananayaw
ay pinagyayaman
ng sabay-sabay na magkakaibang himig na pumupuno
sa yayat nilang katawan
nagsasaad ng mabangis na hagupit na sa araw-araw ay nagtitipon sa           kanila
sa tuyot na bukid.

Nakaturo paitaas ang maiitim na sibat ng oras
maingat na kumikilos mula sa mga kubo
ang lahat ng biktima
ng tago at lantarang pang-aapi para magtipuntipon
sa pinag-uugatan nito
sa isang dakilang sandali ng sama-samang paghihiganti
at pagtubos.

“The dark spears of the hours point high,” 1961

 

Lawing Ginto

Mapanibasib na lawing gintong makintab
Kaytalas kaytiyak mong sumipat
Habang ginigiyagis ng iyong mga bagwis ang himpapawid
Bago ka buong bagsik bumulusok pababa
Sa tanghaling tapat, nang ang nakakadarang na dugo ng apoy
Ay mabilis na nagpabulas ng iyong karikta’t kukong
Pandakma sa nalingat na manok, hindi naikanlong
Ng mapagkalingang mga putak na nakaunawa
Sa aninong mapanlansi, paikot sa bulabog na patag.
Angkinin mo ang sisiw, ibong mandaragit, at
Humagibis sa batong pistahan habang tinitipon mo ang plema
Sa magaspang mong lalamunan, lawing ginto.
Pakintabin ang iyong tuka’t pakpak sa dugo ng walang kalaban-laban.

“Hawk of Gold,” 1961

 

Mula Pilipinas hanggang Byetnam: mga ibong mandaragit

Sumpain ang mga ibong mandaragit
Naglalaglag ng kanilang mga itlog na bakal
Walang pakundangan
Sinasalanta ang mga bukirin
Nang buong bangis
Nagsasabog ng gutom
Nagluluwal ng kamatayan
Winawarat ang dibdib
Ng mahal nating kapatid na bansa.

Byetnam! Byetnam!
Bawat bomba sa iyong dibdib
Ay dusa sa aming puso.

Ang lunsaran ng iyong hilahil
Ay nasa Mactan, Clark Field
Sangley Point at kung saan pa
Ang nandiritong mga pugad ng kasamaa’y
Nagbibigay-aliw sa ibong maiitim
Nagpapasakit sa iyo.

Gaano karami ang mga pugad ng kasamaang
Nabuo na
Sa iyong kalupaan?
Gaano kakapal ang apoy at lasong
Ibinuga ng ibong maiitim?
Gaano karami ang mga kukong
Nanira’t nanibasib
Ng iyong mga anak at yaman?

Iparinig sa amin ang mortar at rocket
Land mine at panggabing reyd
Iparinig sa amin ang laksa-laksang tunog ng iyong mga baril
Iparinig sa amin ang iyong pakikibaka sa paglaya
Iparinig sa amin ang maingat na mga bulong
Sa iyong walang katapusang mga lagusan sa ilalim ng lupa
At ihiyaw sa amin ang pananagumpay
Sa bawat laban sa kapwa natin kaaway.

Hayaang ang mga putakti ng iyong galit
Ay magpamaga sa nakasusuklam niyang mukha
Hayaan ang mga bundok na balian
Ng leeg ang maiitim na ibon
Ang kanilang nakaririmarim na bunton ng mga bombang
Sumasabog at lumalason
Ay di makakatupok ni makakagapi ng iyong diwa.

Ang kalikasa’y kaibigan ng lumalabang masa
Pamunuan ang bawat pulgada nito nang buong husay
Gawing kalasag bawat halaman, punungkahoy at batuhan
Bitagin ang kaaway sa sipat ng riple
O sa bitag ng matutulis na kawayang
Ikinukubli ng ilog at damuhan.

Bawat punong niyog
Ay maging mahigpit na busog ng palaso
Ang hangin ng silangan
Ang gagapi sa dahas ng kanluran.

“From the Philippines to Vietnam: birds of prey,” 1967

 

Ang gerilya’y tulad ng makata

Ang gerilya’y tulad ng makata
Damdam ang lawiswis ng mga dahon
Ang bakli ng mga sanga
Ang kislot ng alon sa ilog
Ang amoy ng siga’t
Ang abo ng paglisan.

Ang gerilya’y tulad ng makata
Naglalaho sa mga punungkahoy
Halamang-ligaw at batuhan
Di mapiho pero pihado
Sanay sa batas ng paggalaw
At alam ang sanlaksang imahen.

Ang gerilya’y tulad ng makata
Nakatugma’t sukat sa kalikasan-
Ang pinong pulso ng luntian
Ang malalim na katahimikan, ang paimbabaw na kawalang-malay
Ang aserong nakikipagtigasang lakas-loob
Bumibitag sa kaaway.

Ang gerilya’y tulad ng makata
Sumasabay sa laksang luntia’t kayumanggi
Sa gubat na nagliliyab sa mga pulang bulaklak
Dumadakila’t nagpapasigla sa lahat
Umaapaw sa kalupaan, parang baha
Nagmamartsa sa wakas laban sa kuta.

Walang katapusang kilusan ng lakas!
Kilanlin ang matagalang tema:
Ang epikong bayan, ang digmang bayan.

“The Guerilla is like a Poet,” 1968

 

Ang beteranong walang saysay
at ang mga dragon ng kanyang mga panaginip

Kinapaguran na niya ang pagkukwento
Tungkol sa mga dragon.
Hindi niya kailanman kapapaguran ang pagkukwento
Gayunma’y gumapang na ang takot sa mga dragon
Sa kanyang kaluluwa.
Kaya’t ihinahagis niya ang mga gunita
Parang sibat at punyal
Sa mesa.
Ang kanyang mga salita’y tubig
Na tumutupok sa baga.
Minamaliit ng kanyang pangungutya
Ang kasalukuyang pagbabangon.
Ang halaga niya’y laging nakapaloob
Sa mga naunang labanang inuulit-ulit
Sa ibabaw ng mantilya
Sa pagitan ng buga ng usok
Na umaaligid sa alapaap ng disyerto
Ng kanyang utak.
Habang ang madaling mapaniwala’y nakanganga
Sa kapwa nila beterano,
Isang bayaning panghabang-panahon,
Buu-buong salita ang bumibigkis sa kanilang pananahimik
Sa mala-musmos nilang paghanga
Nagtatayo ng mga kasinungalingang naglalatag ng dilim
Sa panahong kanilang libangan.
Pinupuno nito ang kanilang palsipikadong buhay
Sa panahong itong napakalupit
Ngayong ang mga drago’y naglilitawan sa bayan
Dumarami mula sa kaylaon nang inihasik na mga ngipin
Ng paghihirap.
At kailangang mas maraming nilalang ang makahanap ng gabay
Sa kaalaman kaysa sa walang kapararakang daldal.
At kailangang mas maraming nilalang ang kumilos para wakasan
Ang kasinungalingang napakatalamak sa entablado.
At kailangang mas maraming nilalang ang magsara ng tainga
Sa walang saysay
O yaong sa unang malas ay may saysay
Para gapiin
Para supilin ang huling pangkat na ang dulot ay isang tiyak na kontradiksyon.
Iwaksi siyang ang sinasabi’y ang tungkol sa sarili
Sa mesa
Habang namamatay ang mga tao sa larangan ng digma.
Para sa mga kaytagal na nagtiis
Sa katahimikan at natagpuan ang kanilang tinig
Tiyak na tiyak.
Samantalang patuloy ang nakabalat-kayo sa kapihan
Sa pagbubunganga tungkol sa kanyang maswerteng galing
Sa bawat yugto
Sa makipot niyang himpilan.
Ang panahong ito ng masaker
Ay iniiwang mag-isa ang taong ang problema’y
Ang kanyang pag-iwas,
Na ang dangal ay isang palabas,
Pabulungbulong lang ng kanyang kawalang-saysay.
Kailangang gisingin ang munting taong ito
Kung tunay ngang mayroon siyang kahit isang butil
Ng maluwalhating kahapong kanyang pinalolobo.
Kung di niya gagawin ang anumang makakayanan niya
Ang mga dragon ng kanyang mga panaginip
Ang tutupok sa kanya,
Isang tumpok ng abong walang kabuluhan saanman
O kung may kabuluha’y sa heograpia ng pagtataksil
Na kanyang kinatatakutan tulad ng pagkatakot niya
Sa mga dragon ng kanyang mga panaginip.

“The irrelevant veteran and the dragons of his dreams,” 1968

 

Sa ulan

Masdan ang napakalawak na dagat ng kaluntiang
Nag-uugnay at nagpapalutang sa mga nayon
Anong lalim ng kaalaman tungkol sa ulan, araw
At lupa ng mga magsasakang hindi nakatuntong sa paaralan.

Higit pa rito ang sakop ng kanilang kapangyarihan
Nasa hanay nila ang mga kadre at mandirigma
Lumalago silang magkakasama sa ulan
Sa kilusang makilos para sa mga bagong tagumpay.

Nalalambungan ng hiwaga ang mga nayon.
Napakadulas ng mga daan para sa kaaway
At ang mga daho’y nagpapatindi ng kanilang bulag na takot
Hindi makalipad ang mga demonyong ibong mandaragit.

Ito ang pagkakataon ng mga rebolusyonaryo
Na maglunsad ng mahusay at matapang na opensiba
Habang ang mas maraming kasama sa di mahaharangang likuran
Ay sumasanib sa masa sa paggawa at pag-aaral.

“Under the rain,” 15 June 1973

 

Pagpuri sa mga martir

Pinupuri natin hanggang sa kaitaasan
At sa habang panahon
Ang mga bayaning namatay
Sa digma
Sa kamay ng kaaway
Sa silid-parusahan
At sa kinasukulang pader.
Sa ganitong madudugong lugar
Pinakamatindi ang pakikibaka
At ang kahulugan ng buhay
Ay sinusubok sa isang mapagpasyang sandali.
Ang tapang hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng hininga
Ang bumubuhay sa martir magpakailanman.

“In praise of martyrs,” 9 Dec 1977

 

Paano maging bayani

Hindi ang paraan ng pagkamatay
Ang sukatan sa pagiging bayani
Ito ay ang kahulugang hinango
Sa mga pakikibaka sa kaaway.

Nandiyan ang bayaning namatay sa larangan ng digma
Nandiyan ang bayaning namatay sa gutom at sakit
Nandiyan ang bayaning namatay sa sakuna
Nandiyan ang bayaning namatay sa katandaan.

Anuman ang paraan ng pagkamatay
May nag-iisang pamantayan:
Pinaglilingkuran ng bayani ang mamamayan
Hanggang sa kahuli-hulihan niyang hininga.

“What makes a hero,” 10 Dec 1977

 

Ako’y laging kasama ninyo

Ang katawan ko’y nasa bilangguan
Pero ang aking diwa’y malayang gumagala
Sa bawat rehiyon at sona
Sa lahat ng panahon.

Ang mga nagawa ko
Sa haba ng panahon sa rebolusyon
Ay hindi madaling mapapawi.
Kayo ang nagtataguyod niyon.

Nang ako’y arestuhin
Ang mga rebolusyonaryong pwersa
Ay malayo na sa kakaunting
Kanilang pinagsimulan.

Mangahas ituloy ang pagsulong
Huwag hayaang ang pagkakatisud ninuman
Ay makapagpaudlot ng ating dakilang kilusan
Laging pataasin pa ang bandilang pula.

Ako’y laging kasama ninyo
Sa inyong pag-aaral, gawain at laban
Ako’y laging kasama ninyo
Tinutupad ang ating mahihigpit na tungkulin.

Karamay ninyo ako
Sa kasaganaan at pighati
Lagi akong kasama ninyo
Sa landas ng pagsulong.

Magpalawak sa buong bansa
Magpalalim sa bawat lokalidad
Pangibabawan ang bawat kahirapan
Tiyakin ang ating tagumpay.

“I am always with you,” 26 Dec 1977

 

Walang iinam pa

Matagal na akong nagpasya
Na pag ako’y nakulong
Gagawin ko ang ginawa ng Kasamang Ho
Ang magsulat ng mga tulang rebolusyonaryo.

Papalakas ang kilusan
Nang siya’y ikulong.
Sa pag-awit niya tungkol sa butil ng bigas
Na tila perlas sa kaputian, kailanma’y hindi siya nawalan ng ugnay.

Iniisip ko ang lahat ng kadahilanan
Na sa tamang panahon ako’y makalalaya.
Tiyak akong sa paglakad ng panahon
Mapapawi ang anumang alinlangan tungkol sa tagumpay.

Samantala, walang iinam pa
Sa pag-awit ng mga kanta ng paglaya
Mga kanta ng pakikibaka ng mamamayan
Bilang paglaban sa tiranya at pagkabagot.

Ang diwang masigla at malaya tulad ng sa akin
Ay di kailanman maililibing sa kulungan
Patuloy akong titindig
Laban sa punebreng batingaw.

“Nothing more beautiful,” 30 Dec 1977

 

Ang Aking Sandatang Ispiritwal

Makapangyarihang gabay ang Marxismo
Sa rebolusyonaryong kilusang masa.
Pero sa tumatagal na pagkakabimbin ko
Ito’y akin ding sandatang ispiritwal.

Ginagamit ko ito para ipagtanggol ang aking dangal.
Hindi ako mapangingibabawan ng kaaway.
Siya’y kamuhi-muhi’t pipitsugin
Sa mamamayan at kasaysayan.

Humahango ako ng lakas sa rebolusyong
Sa labas ng bilanggua’y patuloy ang pagsulong.
Nais kong magbigay ng ambag,
Bunga ng aking pakikibaka kahit nakakulong.

Gayon nga, matatagalan ko ang parusa,
Ang dagan sa katawan at isip
At lahat ng kademonyohang pakanang
Ang rebolusyo’y aking itakwil.

Palaging inaalala ko ang mamamayan,
Ang mga kasama’t Pulang mandirigmang
Nagbuhos ng dugo sa pakikibaka.
Gaano na nga lamang ang aking paghihirap.

Bugbog lang ang aking dinanas,
Water cure at araw-araw na pananakot.
Pero ang pinakamahirap sa lahat ng aking pagsubok
Ay ang buwan kada buwang pwersahang walang magawa.

Nakagapos ako lagi na sa aking katre
Wala ni anong mabasa at walang salamin.
Nakakabigat sa isip at walang kwenta
Ang tumitig sa kisame’t dinding.

Kaydami kong hinahanap-hanap
Kaya’t ang bagot at inis
Kadalasa’y sumusubok lukuban ako sa aking pag-iisa.
Pero ang Marxismo’y aking makapangyarihang sandata.

Ako ang nagsa-sarili kong katoto
At inilalapat ang batas ng kontradiksyon
Sa napakaraming problema’t tanong
Sa aking kinasadlaka’t pinag-iisipan.
Hangad nilang aking mga imbestigador ay impormasyon
Pero ang tungo ko ay talakayan sa pulitika.
Pinaninindigan ko ang pagkamatuwid ng rebolusyon
Ang sakdal at mithi ng mamamayan.

Binabalingan ko ang pagtulang
Naghahayag ng aking hangad sa paglaya
Isinasanib sa lagi’t laging masidhing
Hangad ng mamamayan sa paglaya.

Sabik ako sa paggiliw ng mamamayan
At lubos na inisyatiba sa pakikibaka
Pero bawat araw na tumagal sa ngayong pugo’y
Sumusubok at nagpapatindi sa tapang.

Ang magdaang araw ay araw palapit
Sa pagkalas ng aking gapos.
Ipinauubaya ko ang aking pag-asa sa pakikibaka
Ng malawak na masa ng mamamayan.

“My Spiritual Weapon,” 8 Feb 1978

 

Ikaw ang asawa’t kasama ko

Ikaw ang asawa’t kasama ko.
Marahas na tayo’y pinaghihiwalay
Ng ganid sa dugong kaaway na maraming patibong.
Nag-aalala tayo sa kagalingan ng isa’t isa.

Ang hangad ng tirano’y napakasama.
Sinusubukan niyang kamtin ang pagtataksil ng ating kaluluwa
Sa pagpapahirap at pananakot na pagpatay
At sa pagsasayang ng ating kasibulang lakas.

Nasisiyahan ang mabalasik niyang mga kampon
Na tayo’y nagdurusa sa nakadadarang na kahon.
Itinutulak sila ng mang-aagaw ng kapangyarihan
At tinutupad ang mga utos, tulad ng mga aso.

Pero kahit sa ating sapilitang pagkakahiwalay
Nananatiling tayo’y nagkakaisa sa maalab na panata
Sa dakilang simulain ng rebolusyon.
Matatag nating isusulong ang pakikibaka.

Ang ating pangunahing berdugong nakaluklok sa trono
Ay mapapatalsik balang araw.
Pagkat naisabog na ang mga butong binhi
At ang bukas ay kilalang-kilala na.

Namuhay tayong ganap at mabunga
Kahit sa kabataang gulang na tigib
Ng napakaraming dapat gawin
Sa maalab na daloy ng rebolusyon.

Hindi natin pinangingilagan ang hirap o kamatayan
Para sa pinakamatayog na interes ng mamamayan.
Kinamumuhian natin ang paninirang-puri at intriga
Habang ang mamamaya’y naghihintay na tayo’y magsalita.

Maaaring hindi tayo payagang magsalita.
Pero pinagtitibay ng mga dila ng apoy ang ating pagkamatuwid.
Labis-labis na ang mga patibay
Para sa karapat-dapat na pamana sa ating mga anak.

Ating hinahanap-hanap ang mahal na mga anak natin
Pero patuloy silang ginagabayan ng ating diwa.
Lalaging bahagi tayo ng kilusan
Ibayong lagpas sa hangganan ng kasalukuyan.

“You are my wife and comrade,” 10 March 1978

 

Pugon

Noong Disyembre,
Ikinumpara ko ang aking selda
Sa priser kung hatinggabi
At kung tanghaling-tapat nama’y sa hurno.

Ngayong tag-init na’y
Ikinukumpara ko ito sa impyerno,
Pero dahil sa kaliitan nito’y
Binansagan ko ring pugon ito.

Ito’y nagbabagang pugon
Para sa pagpapatigas ng bakal
At pagdadalisay ng ginto.
Nakaaaliw ang pagkukumparang ito.

“A Furnace,” 15 March 1978

 

Sa madilim na kailaliman

Hangad ng kalabang tayo’y ibaon
Sa madilim na kailaliman ng bilangguan
Pero ang gintong makinang ay minimina
Sa madilim na kailaliman ng lupa
At ang makinang na perlas ay sinisisid
Sa madilim na kailaliman ng dagat.
Nagdurusa tayo pero tumatagal
At humuhugot ng ginto at perlas
Mula sa kailaliman ng pagkataong
Hinubog sa katagalan ng pakikibaka.

“In the dark depths,” 10 April 1978

 

Perlas

Sa mapanglaw na ilalim ng dagat
Binubuo ang perlas ng naasinang kirot
Sa lambot ng talaba
Sa ubod ng lamig, sa dagan
Ng bundok-tubig na dusa.

Hindi maaabot ng tagasisid ang perlas
Kung walang pasaning binabata
Kung walang pagtitiis at dibdibang paggawa
Kung ang paningi’y walang talim
Tagos sa panglaw na dumadagan.

Makinang na bunga ang perlas
Ng makapangyarihang pakikihamok ng talaba.
Ito ri’y lumiliwanag na mata
Saksi sa pagsisikap ng tagasisid.
Inagaw sa panga ng kailaliman
Tampok na hiyas ito ngayon ng tagumpay.

“Pearl,” 12 April 1978

 

Ginto

Sa madilim na ilalim ng lupa
Sa dagan ng bundok
Na nag-iipon ng init ng araw
Ang ginto’y nabibitag nakukulong
Ngunit kumikinang sa natipong alab.

Hindi maaabot ng minero ang ginto
Kung hindi huhukay ng malalimang lagusan
Kung hindi puspusan ang paggawa
Kung walang tumatagal na ilawan
Sa dilim na dumadagan.

Ang nagbabagang pandayan at mangkok ng asido
Ang nagpapalis ng dumi at nagpipino ng ginto
Iikot ang mga turnong panghugis
Para buuin ang korona ng tagumpay
Ang matayog na kaluwalhatian ng bansa.

“Gold,” 12 April 1978

 

Tula at pahinga

Mahabang panahon nang
Ang mga litanya at dasal
Ay nagpapagaan ng loob
Ng mga nagdurusa.

Paghimlay sa gabi,
Binibigkas ko ang aking mga tula
Hanggang matuyuan ang aking lalamunan
At makatulog na magaan ang loob.

Pero kaiba ang aking mga tula,
Malapit sila sa mamamayan.
Nasa kanila ang aking tiwala
At sa matatag nilang pakikibaka.

Habang ako’y namamahinga, tiyak akong
Patuloy ang pakikibaka.
Pagkatapos kong mamahinga
Gagawin ko ang aking kaya.

Ang pagkakapiit na mag-isa
Ay parusang napakalupit.
Pero ang mga tulang aking binubuo
Ang marurubdub kong katoto.

“Poems and rest,” 10 May 1978

 

Ang pagdating ng ulan

Tinipon ng matinding init
Ang makakapal na ulap ay nagpadilim sa lahat ng sulok
Pero ibinando ng kulog at kidlat
Ang bagong panahon ng paglago sa ulan.

Ang laganap na hangin at papalalim na ilog
Ay rumaragasa mula bundok para dalhin
Ang mensahe sa mas damang paraan,
Ang pagdating ng ulan sa patag.

Itinataas ng mga punungkahoy ang kanilang mga sanga sa kalawakan
At masiglang sumasayaw
Pinapataginting at isinasaliw ng mga halaman ang kanilang tinig
Sa awit at tuwa ng mga punungkahoy.

Itinataboy ng hangin ang nalaglag na mga dahon
At pinapaypayan ang titis sa tiwangwang na bukid
Naglulundagan ang mga dila ng apoy at pinapawi ang uhaw
Ng lupang sabik sa buhos ng ulan.

“The coming of the rain,” 15 June 1978

 

Ulan at araw sa bundok

Paglipas ng kulog at kidlat
Tila nilulusaw ng malamig madilim na ulap
Ang mga bundok hanggang maging maitim na burak.
Pero sa kabila ng nakapanlulumong tanawin
Binababad sa ulan ang lupa, pinalulutang ang dumi
At binubuhay ang mga sapa at ilog.
Sa gitna ng palahaw ng hangin
Ang mga punungkahoy at halaman sa kaitaasan
Ay pinagpapala ng matagalang pampalusog.
Gayundin naman ang mga tanim sa patag.

Pagkatapos niyon, umaalpas ang araw mula sa karimlan
Para magdulot ng init sa mga bundok,
Tiyaking ang ugat ng mga punungkahoy
Ay mas mahigpit ang kapit sa lupa.
Ang luntiang rangya ng mga dahon
Ay kumikinang at ipinagdiriwang
Ng di magkamayaw na kantahan ng mga ibon
At masasayang kilos ng mga hayop.
Sa malamig na simoy ng hangin, tinatanglawan ng araw
Ang malinaw, pamatid-uhaw na tubig ng batis.

Kung panay ulan at bagyo lang
Ang mga bundok ay magpuputik.
Kung panay araw at tagtuyot lang
Ang mga bundok ay magiging alikabok.
Kung ihahambing sa ulan, ang araw ay nakakasilaw.
Kung ihahambing sa araw, ang ulan ay nakagiginhawa.
Sa pagsapol sa matagalang salit-salitan ng mga panahon
Sa kanilang kasungita’t natitipong biyaya
Napalalagi ng bundok ang kanilang kaitaasan
At ipinapahayag ang pangingibabaw sa pagkasalanta.

“Rain and sun on the mountains,” 5 July 1978

 

Ang gitnang patag

Mahal ko ang luntiang lawak ng mga palayan
Inilalantad ng sikat ng araw
Ang sanlaksang ginintuang butil nito.
Mahal ko ang matatag na tindig ng tubuhan
Inilalantad ng sikat ng araw
Ang ginintuang mga tubong matamis.
Inihahatid ng umiihip na hangin sa patag
Ang indayog ng paggawa ng mga magbubukid at manggagawang bukid.
Mahal ko ang kalampagan sa daan at pagawaan
Habang pinagtitiyagaan ng mga manggagawa ang ilang makina.
Mahal ko ang bughaw na mga bundok sa kalayuan
Pinatutunayan nila ang pag-asa para sa balanang anakpawis.

“The central plains,” 15 August 1978

 

Angalo, o Angalo

Angalo, o Angalo!
Higanteng manlalakbay na taga-hilaga
Sa lahat ng panaho’y kaaway ng manlulupig.
Bayani ng baybaying Ilokos
Nasa batuhan ang iyong mga bakas
Na tinatanglawan ng araw, buwan at mga bituin
At walang ulan at ilog
Na makakabura o makapagkukubli.
Ang mga bundok, bulubunduki’t lambak
Ay nagsasaysay ng mga kwento ng katapangan
Ng nakakamanghang mga hakbang
At gawa para sa mga naghihirap.

Ang simoy ng hangin mula dagat at bundok
Ay nagtatagpo para awitin ang iyong alamat.
At lagpas pa sa kapal ng mga daho’y
Pumapailanlang ang tinig ng mga api
Umaasam na bumaba ka mula sa kalawakan
Mula sa iyong tahanang kaytaas
Sa Hilagang Bituing kayliwanag.
Sinabi mong nagiging lama’t buto ka
Kapag bumabangong muli ang mga api laban sa kaaway.
Angalo, o Angalo!
Natutuwa akong gayon nga ang tinuran mo.

“Angalo, o Angalo,” Nov 1979

 

Mga Bahagi ng isang Bangungot

1.
Gabi, sariwang hanging
May samyo ng luntiang dahon at bughaw na alon
Ang sumasalpok sa mukha ko’t kumakapit sa aking katawan
At nagtutulak na katagpuin ko ang aking mahal.
Wari’y hatak ng sandaang kabayo, naghuhumangos ako
Tulad ng malayang ibong nasa pilak na laso
Sa pagitan ng bundok at dagat.
Ngunit, ay! tigib ang alanganing panahon
Ng punyal na mata ng mga demonyo
Sa sugpungan ng kaligtasan at panganib.

2.
Matapos ang pagkukunwari sa dilim
Sa paligid ng tahimik na istasyon ng bus
Biglang pumasok ang mga demonyo
Nagkakahol ang mga hayok sa dugo
At pinamutla ang biglang liwanag.
Pinaligiran ako ng mga armadong demonyong
Mabalasik at ako’y pinosasan.
Hinablot ako sa piling ng aking mahal
At isinakay sa sasakyang nagkukumahog
Sa nakapaninibagong gabing maginaw.

3.
Dinala ako sa sentro ng impyerno
Sa hari ng mga demonyo at kanyang mga pinuno
Para sa ritwal ng kodakan.
Itinaboy ng haring demonyo ang kanyang mga kabig
At kami’y nagpingkian ng mga niloloob.
Nagsimula siya sa pagbili ng kaluluwa.
Bigo, bumaling siya sa paglalatag
Ng patibong para sa mga kasama’t walang malay.
Muli’y nabigo, nagwakas siyang may banta
Na ako’y hindi na niya makikitang muli.

4.
Ang gabing malalim, ang masikip na posas
At mga demonyo mandi’y di pa sapat.
Ako’y piniringa’t pinaikut-ikot.
Mga kahong sunud-sunod ang pinasukan ko –
Isang malawak na kampo, isang solar
Na lumalangitngit ang geyt,
At sa dulo’y isang seldang kaytahimik
Na buong dahas na pinagsadlakan sa akin.
Hangad ng mga demonyong madama kong ako’y
Bulag, nawawala, di makahinga, mahina.

5.
Tinanggal ko ang piring sa mata at aking natagpuan
Ang sarili sa inaamag na nitso.
Kinamumuhian ko ang kawalan ng bintana
Ang maputlang luntian at katahimikan
Ng dinding at kisame
Ang matingkad na kayumanggi ng saradong pinto
Ang nakakahilong pag-andap-andap ng malabong bombilya
At ang mahinang daloy ng hangin mula sa di matantong butas.
Paulit-ulit na bumabaligtad ang aking sikmura
At naninikip ang aking dibdib.

6.
Sunud-sunod ang pagdating ng mga demonyong walang ngalan
Para kunwa’y makipagkaibigan o pagbantaan ako
At galugarin ang aking utak at nerbyos.
Hinihilo ko lang sila
Para magkapanahon ang mga kasama
At bigyang-babala sa aking pagkawala.
Iginigiit ko ang karapatan para sa payo ng abugado
Ang karapatang hindi ipagkanulo ang aking sarili
Ang karapatang mabatid ang kinaroroonan ng aking mahal
At ng mga kaibigang kasama naming dinukot.

7.
Sapilitang hinubdan ako ng kamiseta
At ipinulupot ito sa aking mukha.
Hinigpitan ang isa pang piraso ng damit
Sa aking nakapiring na ngang mga mata at batok.
Pinosasan ang aking mga kamay sa likod
Hanggang sa mamanhid dahil sa lubhang higpit.
Ipinirmi ako sa isang upuang kahoy
At pinaghintay ng aking kapalaran
Sa lubos na kadiliman at kawalang-masulingan
Sa kamay ng mga hayop.

8.
Bigla, matitinding suntok
Ang dumapo sa nakalutang kong mga tulang
Sa dibdib at tiyan.
Kasunod, walang tigil ang mga demonyo
Sa pagtatanong, pananakot at paghahamon
Habang walang lubay sa panununtok.
Ang aking pananahimik, tugon o susog
Ay laging nagdadala ng matitinding suntok.
Paulit-ulit na nagbabanta ang mga demonyo
Na bungo ko’y babasagin sa pader.

9.
Natapos ang tila walang katapusang gulpihan
Pero marami pang kasunod.
Ginapos ng mga demonyo ang isang paa
At isang kamay ko sa katre.
Tinanggal ko ang piring at ang aking mga mata’y
Tinamaan ng sinag ng liwanag
Na sinusundan ang galaw ng aking mukha.
Mas mabilis kaysa liwanag, sinipat ng mga mata ko
Ang madilim na kawalan ng selda
At naaninag ang tatlong demonyo.

10.
Dalawa ang nagsasalitan sa pagtutok ng baril
Sa aking lugmok nang katawan at inuulit-ulit
Ang mga tanong na di ko inaasikasong sagutin
Samantalang ang ikatlo’y tahimik na nakaupo
Sa sahig ng madilim na selda.
At may isa pang demonyong labas-pasok
Para magtanong at magbantang
Ako’y papatayin habang nasa akto ng “pagtakas”.
Paminsan-minsan, tinatadyakan ng isang demonyo
Ang paa ng katre sa pagkainis.

11.
Bilang pagkutya sa mapanibasib nilang anyo
Parati kong sinasabing magpahinga na silang mga demonyo
Pinagtatawanan ang kanilang mga salita’t asta
At ibinabato sa kanila ang kanilang pang-iinsulto
Kahit pinapanghina nila ang aking katawan
Sa patuloy na puyat, gutom at uhaw.
Damdam kong ako’y inihahanda
Sa mas masakit, mas masahol na parusa.
Pero iniisip kong ang utos ng haring demonyo’y
Maghasik ng takot at kalituhan.

12.
Minsan pang ako’y piniringan
Kasabay ng pagdagsa ng mas maraming demonyo
Sa madilim, nakapanlulumong selda.
Ang dalawang kamay at dalawang paa ko’y
Mahigpit na iginapos sa katre
May posas na matatalim ang gilid at humihigpit
Sa tuwing ako’y kumibot, gaano man kabanayad.
Narinig kong sinabi ng isang demonyo na handa na ang aking libingan
At may isa namang nagsabi
Na kuryentihin muna ako.

13.
Naghahabulan ang mga isipin sa aking utak.
Nakaharap at sinukat ko ang haring demonyo.
Higit na hangad niya ang aking kaluluwa kaysa aking bangkay.
Piniringan ako ng mga demonyo
Para ikubli ang kanilang karuwagan.
Magdurusa ako pero ako’y tatagal.
Nagiging manhid ang nerbyos laban sa sakit
Nagsasara ang utak laban sa kasukdulan.
Pero ano nga kung ako’y mamatay, ang buhay ko’y
Matagal nang inilaan sa kilusan.

14.
Dinig ko ang pagdaloy ng tubig sa tubig
Ang kalampag ng mga timbang plastik
At kariskis ng nagkukumahog na mga bota.
Isang bimpo ang inilatag sa aking mukha
At hinawakan ng malalakas na kamay
At aking ulo’t sinakmal ang bibig ko.
Ang tubig ay sumusuot sa aking ilong
At nagpapabaha sa bunganga, lalamunan at baga.
Kasabay ng daluyong ng tubig ay ang daluyong
Ng mga tanong, pananakot at paghahamon.

15.
Ginigilit ng posas ang aking galang-galangan at bukung-bukong
Sa paulit-ulit na pagsinghap ko ng hangin
Para paglabanan ang mahapding buhos ng tubig.
Nagdurusa ako para sa napakaraming tao, grupo,
Tirahan, nayon, bundok
Na hindi ko alam o ayaw kong
Ipaalam o ikumpirma sa mga demonyo.
Sila’y napakasama at walang tigil
Sa tangkang makapiga ng maiinit na impormasyon
Tungo sa mas maraming huli at kurakot.

16.
Higit sa sanlibong pagkakataon
Sinusubukan ang lakas ng aking puso.
Habang ako’y nakikitunggali at naghuhumiyaw na makahinga
Sinasapawan ng tugtuging American rock ang aking mga hiyaw
Para hindi makaabot sa labas ng kwartong parusahan.
Sa pana-panahon, itinututok ng isang demonyo
Ang nguso ng baril sa aking bunganga
Itinutusuk-tusok ng isa pa ang kanyang mga daliri
Sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan
Para guluhin ang pulso ng aking pagtutol.

17.
Nakapagpaluwag ng piring ang aking pakikitunggali.
Nakita kong nasisiyahan ang isang nakatataas na demonyo.
Maya-maya, isang demonyo ang umupo sa aking tiyan.
Habang nanghihina ang aking katawan at nahihilo
Walang saysay na sinubukan ng pinunong imbestigador
Na ipailalim ako sa hipnotismo sa pag-uulit-ulit ng mga salita,
Nagmumungkahing ako’y mahimbing na’t
Ipaubaya ang aking isip sa kanyang poder.
Ako’y nakipagtunggali at pinanatiling buhay ang aking diwa
Sa paggunita sa mga salitang isinisigaw sa labanan.

18.
Nabigong lunurin ng mga demonyo ang aking diwa
Pero ako’y pagod at hilo sa ilang araw.
Halos hubad akong nakagapos sa katre
Sugatan ang mga galang-galangan at bukung-bukong
Mga kamay ay nawalan ng pandama, may kirot sa dibdib
At wari’y tinutusok ng karayom ang aking mga mata.
Kahit gayon, paulit-ulit na ako’y pinipiringan
Sa nagsasalit-salit na pagdating ng mga bwitreng demonyo
Para bingihin ako ng mga tanong.
Parang walang katapusan ang kanilang tyaga.

19.
Palaging iniisip ko ang mga ibong pandagat,
Balingkinitan at mahiwaga sa alapaap ng bughaw na dagat
At ang mabibining kalapati, paris-paris
Bawat paris ay nakadikit sa isa’t isa.
Piniringan ako at isang bwitreng demonyo
Ang dumating na may alok para ako’y insultuhin
Ako’y ikukulong kapiling ang aking mahal
Kapalit ng isang kasamang nasa laya.
Nanggigil ako’t inungulan ang demonyo
At sana’y mas masahol pa ang nagawa ko sa harap niya.

20.
Nakita ko ang nakangising mukha ng mga demonyong
Dumating para sa isa pang alok:
Ipahayag sa simple at pormal na paraan
Na ako nga si A.G., ganoon lang
At magwawakas ang pagpaparusa
At isasama ako
Sa ibang bihag ng haring demonyo.
Nagkakaisa pa nga sila
Na imposible ang pagtulong ng abugado
Dahil na rin sa mga armadong demonyo.

21.
Walang lubay ang pagpaparusa
Na lalo pa ngang lumalala.
Ang mga segundo, minuto, araw, linggo
Buwan at ang mga tag-ulan at tag-araw ay bumabagsak
Parang ga-higanteng mga bloke ng bakal
Sa aking utak at nerbyos
Sa lupaypay kong katawan sa pagkakagapos
Ang kaliwang kamay at kanang paa kong
Laging nakagapos sa nakapandidiring katre
Sa pinaiiral na proseso sa pandarahas.

22.
Tumutubo ang makakapal na kalyo kung saan ang bakal
Ay dumidiin sa laman at buto.
Nahihirapan ako sa tindi
Ng init at lamig sa pagbabago
Ng panahon at mga sandaling may araw.

Ang tanging aking nakikita’y ang maalikabok na dinding
At masapot na kisame.
Sa araw at gabi, kada sampung minuto
Sumisilip sa butas ang isang demonyo
Para tiyaking ako’y laging nakagapos.

23.
Mga surot, lamok, langgam
Ipis, butiki at gagamba lang
Ang kasambahay ko sa bahaging ito ng impyerno.
Hinahanap-hanap at pinananabikan ko ang aking mahal
At iniisip ko ang kanyang sariling kinasapitan
Pinananabikan ko ang lumalaki kong mga anak
Pinananabikan ko ang matapat na samahan
Ng mga manggagawa, magbubukid at kasama
Pinananabikan ko ang mamamayang nag-aalsa
At ang malawak at bukas na kalupaan ng aking bayan.

24.
Ang mga demonyong nagkakalag sa aking pagkakagapos sa katre
Ay karaniwang walang imik
At magaspang, ako’y nililigalig at iniinsulto
Kailanma’t iniisip nilang ako’y lumalagpas
Sa ilang minutong nakalaan para kainin ko
Ang pagkaing panis at gawin ang mga pangangailangan.
Ngumingiti lang ang demonyong doktor
Kapag ako’y humihiling ng sariwang hangin at sinag ng araw.
Hindi inaayos ng demonyong dentista
Ang aking ngipin, manapa’y sinisira pa.

25.
Ilang demonyo ang dumarating paminsan-minsan
Nagtatanong kung bakit gusto kong magdusa
Gayong ang kailangang gawin ko lang ay isuko
Ang aking kaluluwa kapalit ng pagpapatawad ng haring demonyo.
Nang minsang sinabihan akong tumakbo para sa kasiyahan ng isang kulumpon
Ng mga demonyo, ako’y sumagot, Paano ako tatakbo’y
Ni hindi man lang makagala kahit sa aking selda.
Sila ma’y tumigil din ng kapupunta
Para hayaang pagdusahan ko ng walang tigil
Ang apoy ng bawat tag-init.

26.
Habang ako’y tumatangging ipagbili o ihandog
Ang aking kaluluwa sa haring demonyo, ang kanyang pakana’y
Ligaligin ito’t inut-inut na patayin
Sa pagkakagapos ng aking katawan,
Iamba ang espada ng kamatayan
At magbantang hayaan itong tumarak
Sa paraang pormal o impormal.
Pero walang silbi ang pakana
Habang ang pagdurusa ng pag-iisang nakakadena
Ay pinangyayaring ang kamataya’y isang nakatutuksong hakbang.

27.
Binabaka ko ang pagkabagot
Ang natitipong tensyon sa aking katawan at isip
At ang pasumpung-sumpong na halina ng pagkitil sa sarili
Patuloy akong gumagawa at bumibigkas ng tula
Para sumpain ang haring demonyo at mga kabig niya.
Lagi kong ginugunita ang mga larawan
Ng aking mahal, nagdurusa pero nakakatagal;
Ng aming malalayang anak, mabulas ang paglaki;
Ng masa ng mga naghihiganting anghel
Armado ng pinakamatatalas na espada.

28.
Bawat magdaang araw ay araw na napagtagumpayan
Nagpapataas ng determinasyon at katatagan.
Inasahan ko na ang laro ng haring demonyo:
Iniharap ako sa kanyang hukuman bilang palabas
At pinuri siya ng mga demonyong tagapaglitis
Bilang pinakadakilang mambabatas, taga-huli, taga-bugbog
Taga-usig, huwes at berdugo.
Matapos ang mahabang panahon ng pagkakagapos, makakaupo na akong
Katabi ang aking mahal sa harap ng mga demonyong huwes
At hayaang mabatid ng mamamayan ang aming dinanas.

29.
Ang magsalita tungkol sa pahirap pagkatapos ng lahat
Ang magsalita tungkol sa isang oras na pambubugbog
Sa napakaraming nawalang pagdulog sa dulang at oras ng pagtulog
Sa anim na oras na hirap sa paghinga sa tubig
Sa labingwalong buwang pagkakagapos

At sa napakaraming taon ng pag-iisang hindi man lang makaunat
Ang magsalita tungkol sa paghihirap ay laging may kakulangan.
Kailanma’y hindi sinasabihan ng haring demonyo at kanyang mga kampon
Ang biktima kung kailan magwawakas ang isang pagpaparusa
Habang sila’y nagbabanta ng mas marami pang pahirap at kamatayan.

30.
Sa anu’t anuman, gaano na ang aking hirap at dusa
Habang iniisip ko silang higit na naghihirap
Sa dahas ng araw-araw na pagsasamantala
At dahas ng terorismo sa bansa.
Minamaliit ko ang aking hirap at dusa
Habang iniisip ko ang mamamayang lumalaban
Para sa kanilang paglaya
At ang kanilang paniningil sa dugong ibinuwis ng mga martir.
Mimanaliit ko ang aking hirap at dusa
Habang umaasa akong makaambag pa sa pakikibaka.

“Fragments of a Nightmare,” Dec 1979

 

Ang Tulang Patalim

Masdan ang tulang patalim
Banat at sintalas ng labaha
May lamig at kislap ng pilak
Sa liwanag o dilim.

Tingnan kung paano lumipad
Ang itim-ibong puluhang
Hiniyasan ng perlas
Sa matatag-makilos na kamay.

Tingnan sa magkabilang pisngi
Ng dahong bakal
Ang mabulas at pinong lagablab ng apoy
Gintong inukitan ng mga larawan.

Sa isang pisngi’y mga manggagawang
Pinagtangi-tangi ng sibat at bakal
Pugon, martilyo’t pandayan
Tubig at hasaan
Araro’t kalabaw sa bukid
Talaba sa dagat
Pang-ukit at pangtunaw
Mangkok ng asido sa hapag.

Sa kabilang pisngi’y
Yaon ding mga manggagawang nangagtipon
May matwid at handang lumaban
Sa tanglaw ng maalab na bandila.

Pinagiging-ganap ng pag-aalsa
Ang mga pwersa sa paggawa’t
Nanghihikayat ng isa pang pagsulong
Sapol ang subok nang sandata.

Sapuling maigi ang tulang patalim
Hayaan siyang umawit sa iyong kamay
Itong kampila’y agimat
Ng mamamayang pula ang tanda.

“The Bladed Poem,” Marso 1982

POEMS OF JOSE MARIA SISON TRANSLATED INTO MALAY LANGUAGE

Which shall come ahead?

$
0
0

WHICH SHALL COME AHEAD?
By Jose Maria Sison

Which shall come ahead?
The blazing of forests,
The thawing of the icebergs,
The rise of the oceans,
The drowning of cities,
The parching of the land,
The whimpering death?

Which shall come ahead?
Sudden fright at the big bang,
Mushrooms in the sky,
Too much light in a trice,
Before the endless night
Under the seamless fog,
The freezing of the land?

Which shall come ahead?
The endless rule and lure of greed,
The cycles of boom and bust,
The stolen flow of blood and sweat,
The ruin of the greenscape,
Or the breaking of chains
To end myths of the endless?

Which shall come ahead?
The rise of the human spirit,
The liberation of the oppressed,
To smite the vile sources
Of greed, wars and plunder
To end the absurd choice
Of disaster to doom all classes?

Utrecht, October 13, 2018

Welcome the unwelcome

$
0
0

WELCOME THE UNWELCOME
By Jose Maria Sison

Long before you come,
You rattle your sabres
Made in some alien land,
You boast of your ill intent
Against the toiling masses.

Come as you please
In whatever strength,
We watch your parade
From the simple and easy start
To the complex and difficult paths.

Our welcome is even readier
When we hear your air power
Thundering and stirring the winds
And the rumbling of trucks
Before you can creep on us.

We see your columns in advance
And if we are unable to make
A crowded grand reception,
We make a simple welcome
Without ceremony for you.

But there can be tokens of welcome
To our alluring homeground,
Outbursts from the roadside
And under your wheels and feet
And precision shots from wherever.

If still your strength is such
That you can encamp long,
We will continue the fireworks
To make you dance, lose sleep
And get worn out before you leave.

When you decide to leave,
We gladly take our turn to close in
And give you the biggest fireworks
Of farewell and thank you
For leaving gifts to us.

While you focus on small parts
Of our wide home ground,
We can take full initiative
And choose your weak points
Somewhere else to wipe them out.

On any day or any night,
We can tickle your weak point
To lure you into a grand reception
Along the most perilous routes
Or to hit another point beyond your guess.

Why do we welcome the unwelcome?
You bring to us what we need,
You save us time and sweat
To collect the means to become stronger
Before seizing your palace in the city.

MALUGOD NA SALUBUNGIN ANG DI-KATANGGAP-TANGGAP
Ni Jose Maria Sison

Matagal bago ka pa dumating
Kinakalansing mo mga sableng
Gawa sa dayuhang lupa,
Ipinagyayabang mo ang imbing hangad
Laban sa masang anakpawis.

Halika kailanmang nais mo
Bitbit ang anumang lakas,
Panonoorin ka naming magparada
Mula sa simple at madaling simula
Tungo sa mga daang masalimuot at mahirap.

Mas handa pa ang malugod naming salubong
Pagkarinig ng iyong lakas-himpapawid
Dumadagundong at humahagupit sa hangin
At ang ugong ng mga trak
Bago mo kami magapang.

Maagap naming tanaw ang mga hanay mo
At kung di namin kaya ang salubong
Na matao at magarbo
Simple ang aming pagsalubong
Na walang seremonya para sa iyo.

Subalit may mga tanda ng pagsalubong
Sa aming mapang-akit na tahanang lupa,
Mga putok sa gilid ng daan
At sa ilalim ng iyong mga gulong at paa
At tumpak na mga punglo mula kung saansaan.

Kung may lakas ka pang
Makapagkampo nang matagal
Ipagpapatuloy namin ang mga paputok
Para pasayawin ka, pagkaitan ng tulog
At pagurin bago ka lumisan.

Kapag nagpasya kang umalis
Galak naman kaming lalapit
At aalayan ka ng pinakamasigabong
Paputok na pagpapaalam at pasasalamat
Sa pag-iwan mo ng mga regalo sa amin.

Habang nakatuon ka sa maliliit na piraso
Ng aming malawak na tahanang lupa
Lubusan kaming makapagkukusa
At piliin ang mahihina mong pwesto
Sa ibang lugar upang lipulin sila.

Sa anumang araw o anumang gabi
Makikiliti namin ang mahihina mong bahagi
Para akitin ka sa masigabong salubong
Sa mga rutang pinakamapanganib
O puntiryahin ang ibang bahaging di mo mahulaan.

Bakit malugod naming sinasalubong ang di-katanggap-tanggap?
Inihahatid mo ang aming kailangan
Tinitipid ang aming oras at pawis
Para mag-ipon ng ibayong lakas
Bago agawin ang palasyo mo sa syudad.

Fragments of a nightmare

$
0
0

In anticipation of the anniversary of the capture of Jose Maria Sison on November 10, 1977, his 30-stanza poem “Fragments of a Nightmare” (which is about his long series of tortures) is published here. The Pilipino version will be published tomorrow. Herewith is his photo with Marcos on the day of arrest prior to his subjection to a series of tortures.

Seated from left to right are Marcos, Sison and Generals Aguirre, Fabian Ver and Felix.

FRAGMENTS OF A NIGHTMARE
By Jose Maria Sison

1.
Under the night sky, fresh breaths
Of green leaves and blue waves
Rush to my face, cling to my body
And spur me on to meet my beloved.
As on a hundred steeds, I speed
Like a free bird on a silver ribbon
Between the mountain and the sea.
But alas the unholy hour is fraught
With the dagger eyes of demons
At the junction of haven and danger.
2.
After a monkey dance in the dark
Around the silent transit station,
The demons burst through the flimsy door,
Raise the din of blood lust
And sicken the sudden light.
I am surrounded by armed demons
Prancing and manacling me.
I am wrenched from my beloved
And carried on frenzied wheels
Through the strange cold night.
3.
I am brought to the center of hell
To the Devil and his high demons
For a ritual of flashbulbs.
The Devil waves away his minions
And we engage in a duel of words.
For a start, he talks of buying souls.
Repulsed, he shifts to setting
A trap for fools and the innocent.
Repulsed again, he ends with a threat
That he will never see me again.
4.
As if midnight, the tight manacles
And the demons were not enough,
I am blindfolded and moved in circles
A series of boxes swallow me:
A sprawling fort, a certain compound
With a creaking-croaking gate
And finally a cell of utter silence
To which I am roughly plunged.
The demons want me to feel
Blind, lost, suffocating, helpless.
5.
I remove the blindfold and find
Myself in a musty tomb.
I abhor the absence of windows,
The sickly green and muteness
Of the walls and the ceiling,
The deep brown of the shut door,
The dizzying flicker of the dim lamp
And sparse air from an obscure vent.
The pit of my stomach keep turning
And my lungs become congested.
6.
Nameless demons come in relay
To feign cordiality or menace me
And explore my brain and nerves.
I draw circles around them
To gain time for my comrades
And warn them with my disappearance.
I demand my right to counsel,
My right against self-damnation,
The whereabouts of my beloved
And the friends abducted with us.
7.
I am forcibly shorn of my shirt
And it is wound around my face.
One more piece of cloth is tightened
Across my covered eyes and nape.
My hands are cuffed behind my back
So tightly as to numb them.
I am fixed on a wooden chair
And made to wait for my fate
In utter blindness and helplessness
In the hands of some monster.
8.
All of a sudden sharp fist blows
Strike my floating ribs,
Chest and solar plexus.
Then the demons make barrages
Of questions, threats and taunts
With more barrages of hard blows.
My silence, answer or comment
Always fetches harder blows.
The demons keep on threatening
To break my skull against the wall.
9.
The seemingly endless bout ends
But something more is afoot.
The demons chain one of my feet
And one of my hands to a cot.
I remove the blindfolds and my eyes
Are struck by a beam of light
That follows the motion of my face
My eyes outracing the light scan
The dark emptiness of the cell
And make out three demons.
10.
Two alternate in pointing a gun
At my prostrate body and repeating
Questions I do not care to answer,
While the third sits silent
On the floor of the dark cell.
And one more demon comes and goes
Asking questions and threatening
To kill me in the act of “escaping”.
Now and then, a demon kicks
A foot of the cot in exasperation.
11.
In contempt of their menacing form,
I keep telling the demons to take a rest,
Ridicule their words and antics
And hurl back their insults at them
Even as they weaken my body
By keeping me awake, hungry and thirsty.
I can sense being prepared
For a more painful, a worse ordeal.
But I reckon the Devil’s order
Is to cause fright and uncertainty.
12.
Once more I am blindfolded
As more demons suddenly swarm
Into the dark stifling cell.
Both my hands and both my feet
Are tightly shackled to the cot
With sharp-edged cuffs that tighten
Whenever I make the slightest move.
I hear a demon say my grave is ready
And another say that I should first
Be given electric shocks.
13.
Thoughts race through my mind:
I have met and measured the Devil;
He wants my soul more than my corpse.
These tormentors blindfold me
To conceal their craven faces.
I will suffer but I will endure.
The nerves grow numb against pain;
The brain shuts off against the extreme.
But so what if I die, my life
Has long been given to the cause.
14.
I hear water gushing against water,
The racket of plastic pails
And the screeches of frantic boots.
A small towel is put across my face;
And strong hands hold my head
And grasp my mouth.
Cascades of water dig into my nostrils
And flood my mouth, throat and lungs.
The torrents of water come with torrents
Of questions, threats and taunts.
15.
The cuffs slash my wrists and ankles
As I strain for air again and again
Against the stinging rush of water.
I suffer for so many persons, groups,
Addresses, villages, mountains
That I do not know or do not want
To tell or confirm to the demons.
They are most vicious or persistent
In trying to extract hot leads,
More prey and more spoils.
16.
For more than a thousand times,
The strength of my heart is tested.
As I struggle and scream for air.
American rock music screens my screams
Outside the torture chamber.
From time to time, a demon pokes
The barrel of a gun into my mouth;
Another keeps on jabbing his fingers
Into different parts of my body
To disrupt the rhythm of my resistance.
17.
My struggles loosen the blindfold.
I can see a senior demon gloating.
Then a stocky demon sits on my belly.
As my body weakens and I grow dizzy,
The chief interrogator vainly tries
To hypnotize me by repeating words,
Suggesting that I am going, going
To sleep and rest my mind in his power.
I resist and keep my wits alive
By recalling the words of a battle cry.
18.
The demons fail to drown my spirit
But I am tired and dazed for days.
I lie half-naked shackled to the cot
With wounded wrists and ankles,
Numb hands, chest pains
And pricking sensations in my eyes.
Still I am blindfolded again and again
As vulture demons come in relay
To drum questions into my ears
As if their persistence were endless.
19.
I keep on thinking of seagulls
Frail and magical above the blue ocean;
And doves in pairs so gentle,
One partner so close to the other.
I am blindfolded and a vulture demon
Comes to insult me with an offer:
To be caged with my beloved
In return for one free comrade.
I grit my teeth and grunt at the demon
And wish that I could do more to his face.
20.
I see the smiling faces of demons
Who come to make another offer:
I simply declare formally
That I am A.G. and nothing more;
And the torture would cease
And I would be placed where
Other captives of the Devil are.
They even agree to an indication
That access to counsel is impossible
Because of the armed demons themselves.
21.
The torture does not cease
But becomes worse a thousand times.
The seconds, minutes, days, weeks,
Months and seasons fall
Like huge blocks of lead
On my brain and nerves,
On my prostrate body on the rack,
With my left hand and right foot
Constantly cuffed to a filthy cot
In a perpetuated process of violence.
22.
Thick calluses grow where the irons
Press against my flesh and bones.
And I suffer the extremes
Of heat and cold upon the change
Of seasons and the part of a day.
I see nothing beyond the dusty walls
And cobwebbed ceiling.
Day and night, every ten minutes,
A demon peeps through a small hole
To make sure I remain in shackles.
23.
Only bedbugs, mosquitoes, ants,
Cockroaches, lizards and spiders
Are my cohabitants in this part of hell
I miss and yearn for my beloved
And think of her own fate.
I long for my growing children;
I long for the honest company
Of workers, peasants and comrades.
I long for the people rising
And the wide open spaces of my country.
24.
The imps who detach me from the cot
Are tightlipped most of the time
And show insolence, harass and insult me
Whenever they think I am going beyond
The few minutes allowed me to eat
Bad food and perform necessities.
The demon doctor merely smiles
When I ask for fresh air and sunlight.
The demon dentist does not repair
But keep on busting my teeth.
25.
Some demons come now and then
Asking why I wish to suffer
When all I need is to surrender
My soul for the Devil’s compassion.
Asked once to run for an assembly
Of demons, I retort how can I run
When I cannot even walk in my cell.
Then, even they stop coming,
To let me suffer without respite
The flames of one summer after another.
26.
As I refuse to sell or give away
My soul to the Devil, his scheme
Is to torment and kill it slowly
By fixing my body on the rack,
Dangling the sword of death
And threatening to let it fall
By some formal or informal process.
But the scheme is futile
As the agony of isolation in shackles
Even makes death a tempting recourse.
27.
I struggle against the tedium,
The cumulative stress on my body and mind
And occasional lure of suicide.
I keep on composing and reciting poems
To damn the Devil and the demons.
I keep on summoning images
Of my beloved suffering but enduring;
Our free and fast-growing children;
And the masses of avenging angels
Armed with the sharpest of swords.
28.
Every day that passes is a day won,
Heightening will and endurance.
I anticipate the Devil’s pretense–
Bringing me to his court for a show
And having the demon judges acclaim him
As supreme lawmaker, captor, torturer,
Prosecutor, judge and executioner.
After so long in the rack, I can sit
Beside my beloved before the demon judges
And let the people know our ordeal.
29.
To speak of torture in hindsight,
To speak of one-hour punching,
So many meals and hours of sleep lost,
Six hours of suffocation by water,
Eighteen months on the rack
And so many years of cramped seclusion,
Is never to say enough of suffering.
The Devil and the demons never tell
The victim when a certain ordeal ends
Even as they threaten more pain and death.
30.
But still my pain and suffering is small
As I think of those who suffer more
The violence of daily exploitation
And the rampage of terror on the land.
I belittle my pain and suffering
As I think of the people who fight
For their own redemption and freedom
And avenge the blood of martyrs.
I belittle my pain and suffering
As I hope to give more to the struggle.
December 1979


Mga piraso ng isang bangungot

$
0
0

MGA PIRASO NG ISANG BANGUNGOT
Ni Jose Maria Sison

1.
Sa ilalim ng langit ng gabi, mga sariwang samyo
Ng mga luntiang dahon at bughaw na alon
Ang sumasalpok sa mukha ko, kumakapit sa katawan ko
At nag-uudyok na katagpuin ko ang aking mahal.
Parang hatak ng sandaang kabayo, humahagibis ako
Tulad ng malayang ibong nasa lasong pilak
Sa pagitan ng bundok at dagat.
Ngunit, ay! tigib ang alanganing oras
Ng mga matang punyal ng mga demonyo
Sa sangandaan ng kaligtasan at panganib.
2.
Matapos ang sayaw-matsing sa dilim
Sa paligid ng tahimik na panandaliang himpilan
Biglang tinagos ng mga demonyo ang marupok na pinto
Nagsiingay ang mga hayok sa dugo
At nakakaduwal ang biglang liwanag.
Pinaligiran ako ng mga armadong demonyong
Natataranta at ako’y pinosasan.
Hinablot ako sa piling ng aking mahal
At inilulan sa mga humahagibis na gulong
Sa nakakailang na gabing maginaw.
3.
Dinala ako sa sentro ng impyerno
Sa Diyablo at matataas na demonyo
Para sa ritwal ng nagkikislapang bombilya.
Pinaalis ng Diyablo ang kanyang mga alipures
At kami’y nagdwelo sa salita.
Sa simula, sabi niyang namimili siya ng mga kaluluwa.
Nang tinanggihan, nag-umang naman siya
Ng patibong para sa tanga o walang malay.
Muling tinanggihan, nagwakas siyang may banta
Na ako’y hindi na niya muling makikita.
4.
Ang hatinggabi, ang mahigpit na posas
At ang mga demonyo’y waring di pa sapat.
Ako’y piniringa’t pinaikut-ikot.
Sunud-sunod na kahon ang lumamon sa akin:
Isang malawak na kuta, isang bakuran
Na may tarangkahang lumalangingit at kumokokak
At sa huli’y isang selda ng lubos na katahimikan
Ako’y isinadlak nang marahas.
Hangad ng mga demonyong madama kong
Ako’y bulag, ligaw, sikil, walang laban.
5.
Inalis ko ang piring sa mata at natagpuan
Ang sarili sa inaamag na nitso.
Suklam ako sa kawalan ng bintana,
Sa maputlang luntian at kapipian
Ng mga dinding at ng kisame,
Sa matinding kayumanggi ng saradong pinto
Sa nakahihilong pikit-dilat ng malabong bombilya
At sa mahinang pasok ng hangin sa tagong butas.
Bumabaligtad ang aking sikmura
At naninikip ang aking mga baga.
6.
Relyebo ang mga demonyong walang pangalan
Para umastang mapagkaibigan o mapagbanta
At galugarin ang aking utak at damdamin
Pinaikut-ikot ko sila sa usapan
Para magkapanahon ang mga kasama
At mabigyang-babala sa aking pagkawala.
Iginigiit ko ang karapatang may abugado,
Ang karapatang hindi ipagkanulo ang sarili.
Ang karapatang malaman kung saan ang aking mahal
At mga kaibigang kasama naming dinukot.
7.
Sapilitang inalis ang aking damit
At ipinulupot ito sa aking mukha.
Hinigpitan ang isa pang piraso ng damit
Sa aking nakapiring na mga mata at batok.
Pinosasan sa likod ang aking mga kamay
Nang napakahigpit hanggang sa mamanhid.
Isinalpak ako sa isang silyang kahoy
At pinapaghintay ng aking kapalaran
Sa ganap na kadiliman at kawalan ng magawa
Sa mga kamay ng halimaw.
8.
Biglaan and dating ng matitinding suntok
Sa nakalutang kong mga tadyang,
Sa dibdib at sikmura.
Kasunod, walang lubay ang mga demonyo
Sa pagtatanong, pagbabanta at panunuya
Kasabay ng marami pang malakas na suntok.
Ang aking pananahimik, tugon o komento
Ay laging nagbubunga ng mas matitinding suntok.
Paulit-ulit na nagbabanta ang mga demonyo
Na babasagin ang aking bungo sa pader.

9.
Nagwakas ang parang walang katapusang gulpihan
Subalit mayroon pang namimintong kasunod.
Ikinadena ng mga demonyo ang isang paa ko
At isang kamay ko sa teheras.
Inalis ko ang piring at aking mga mata’y
Tinamaan ng sinag ng liwanag
Na sumusunod sa galaw ng aking mukha.
Nauunahan ng mga mata ko ang liwanag, tanaw ko
Ang madilim na kahungkagan ng selda
At naaninag ko ang tatlong demonyo.
10.
Halinhinan ang dalawa sa pagtutok ng baril
Sa lugmok na katawan ko at inuulit-ulit
Mga tanong na di ko naman sinasagot
Samantalang ang ikatlo’y tahimik na nakaupo
Sa sahig ng madilim na selda.
At isa pang demonyo ang labas-masok
Para magtanong at magbantang
Ako’y papatayin habang “tumatakas”.
Paminsan-minsan, tinatadyakan ng isang demonyo
Ang paa ng teheras sa pagkainis.
11.
Sa paghamak sa mapagbantang asta nila,
Maulit kong sinasabi sa mga demonyo na magpahinga,
Tinuya ko ang kanilang mga salita’t saltik
At inhinagis kong pabalik sa kanila ang mga insulto nila
Kahit na pinapanghina nila ang aking katawan
Sa patuloy na puyat, gutom at uhaw.
Hinuha kong ako’y inihahanda
Sa mas masakit, mas masahol na pahirap.
Subalit tantya kong utos ng Dyablo
Na manakot at manlito.
12.
Muli akong piniringan
Nang biglang dumagsa ang mas maraming demonyo
Sa madilim, nakakalunod na selda.
Dalawang kamay at dalawang paa ko
Mahigpit na ikinadena sa teheras
May posas na matalim ang gilid at humihigpit
Kailanman ako’y kumibo nang kahit banayad.
Dinig kong sinabi ng isang demonyo na handa na ang hukay ko
At may isa namang nagsabi
Na dapat kuryentihin muna ako.

13.
Naghahabulan ang mga isipin sa aking utak.
Nakaharap at sinukat ko ang Dyablo;
Mas gusto niya ang aking kaluluwa kaysa aking bangkay.
Piniringan ako ng mga tagapagpahirap
Para ikubli ang mga mukha nilang duwag.
Maghihirap ako pero ako’y mananaig.
Nagiging manhid ang nerbyos laban sa sakit;
Nagsasara ang utak laban sa sukdulan.
Pero walang anuman kung ako’y mamatay, aking buhay
Matagal nang inilaan sa layon ng pakikibaka.
14.
Dinig ko ang bugso ng tubig sa tubig,
Ang ingay ng mga timbang plastik
At kaluskos ng natatarantang mga bota.
Isang bimpo ang itinapal sa aking mukha
At malalakas na kamay ang humawak sa aking ulo
At dumaklot sa aking bunganga.
Ang mga dagsa ng tubig sumusuot sa aking mga ilong
At binabaha ang aking bunganga, lalamunan at baga.
Kasabay ng buhos ng tubig ang buhos
Ng mga tanong, pananakot at pangungutya.
15.
Hinihiwa ng posas ang aking galang-galangan at bukung-bukong
Sa paulit-ulit na pagsinghap ko ng hangin
Laban sa mahapding dagsa ng tubig.
Naghihirap ako para sa napakaraming tao, grupo,
Tirahan, nayon, bundok
Na hindi ko alam o kaya’y ayaw kong
Sabihin o ikumpirma sa mga demonyo.
Sila’y pinakamalupit at mapagpumilit
Sa pagsubok nilang makapiga ng himatong,
Ibayong huli at dambong.
16.
Higit sa sanlibong ulit
Sinubok ang tibay ng aking puso.
Sa pagpipiglas ko’t paghuhumiyaw na makahinga
Ang mga sigaw ko’y tinatakpan ng tugtuging American rock
Sa labas ng silid ng pahirapan.
Manaka-naka, isinusubo ng isang demonyo
Ang nguso ng baril sa aking bunganga;
Isinusunggab ng isa pa ang kanyang mga daliri
Sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan
Para guluhin ang ritmo ng aking paglaban.

17.
Pinaluwag ng aking paglaban ang piring.
Nakikita kong baliw sa tuwa ang isang mataas na demonyo.
Maya-maya, isang matabang demonyo ang umupo sa aking tiyan.
Habang nanghihina ang aking katawan at ako’y nahihilo
Bigong tinangka ng pinunong interogador
Na ipailalim ako sa hipnosis sa pag-uulit-ulit ng mga salita,
Na ako’y nahuhulog, nahuhulog sa tulog
At ako’y nagpapaubaya ng isip sa kanyang kapangyarihan.
Ako’y lumalaban at ibayong buhay ang aking isip
Sa pag-alaala ng mga katagang sigaw sa labanan.
18.
Bigong lunurin ng mga demonyo ang aking diwa
Subalit ako’y pagod at hilo nan ilang araw.
Halos hubad akong nakakadena sa teheras
Sugatan ang mga galang-galangan at bukung-bukong
Manhid ang mga kamay, may kirot sa dibdib
At parang tinutusok ng karayom ang aking mga mata.
Kahit gayon, paulit-ulit akong pinipiringan
Sa halinhinang pagdating ng mga bwitreng demonyo
Para tambol ang mga tanong sa aking tainga
Waring walang katapusan ang pagpupumilit nila.
19.
Lagli kong iniisip ang mga gabyota
Maselan at mahiwaga sa itaas ng bughaw na dagat
At ang mga pares na kalapating napakayumi,
Bawat isa’y nakaniiig sa kanyang katuwang.
Piniringan ako at isang bwitreng demonyo
Ang dumating na may alok para ako’y insultuhin:
Makulong kapiling ang aking mahal
Kapalit ng isang kasamang nasa laya.
Nagngitngit ako’t inungulan ang demonyo
At ninais kong sampalin siya.
20.
Kita ko ang mga nakangisngis na demonyong
Dumating para mang-alok pang minsan :
Simpleng ipahayag ko nang pormal
Na ako si A.G., at walang iba pa;
At matitigil ang pagpapahirap
At ako ay ilalagay sa piitan
Ng iba pang bihag ng Dyablo.
Pumayag pa silang magpapahiwatig
Na imposible ang pag-ugnay sa abugado
Dahil sa mga armadong demonyo mismo.

21.
Walang lubay ang pagpapahirap
Kundi sanlibong ulit na lalo pang lumalala.
Ang mga segundo, minuto, araw, linggo,
Buwan at panahon ay bumabagsak
Na parang malalaking bloke ng tingga
Sa aking utak at nerbyos
Sa handusay na katawan kong pinahihirapan,
Ang kaliwang kamay at kanang paa
Laging nakakadena sa maruming teheras
Sa pinamalaging pandarahas.
22.
Tumubo ang makakapal na kalyo
Sa diin ng bakal sa aking laman at buto.
Nahihirapan ako sa kalabisan
Ng init at lamig sa pagbabago
Ng panahon sa isang taon o sa isang araw.
Wala akong nakikitang lampas sa maalikabok na dinding
At masapot na kisame.
Sa araw at gabi, bawat sampung minuto
Sumisilip sa maliit nabutas ang isang demonyo
Para tiyaking laging nakakadena ako.
23.
Tanging mga surot, lamok, langgam
Ipis, butiki at gagamba
Ang kasama ko sa bahaging ito ng impyerno.
Hinahanap at pinanabikan ko ang aking mahal
At iniisip ko ang kanyang sariling kinasapitan.
Sabik ako sa lumalaki kong mga anak
Sabik ako sa matapat na samahan
Ng mga manggagawa, magbubukid at kasama
Sabik ako sa mga mamamayang nagsisialsa
At sa malapad at bukas na kalawakan ng aking bayan.
24
Ang mumunting demonyong nagkakalag sa akin
Ay karaniwang tikom ang mga labi
At pakita’y kawalang galang, nanggigipit at nang-iinsulto
Kailanma’t iniisip nilang lumalagpas ako
Sa ilang minutong laan para kumain
Ng panis at magbanyo.
Ngumingisi i lamang ang demonyong doktor
Kapag humihiling ako ng sariwang hangin at sinag ng araw.
Hindi inaayos ng demonsyong dentista,
Manapa’y sinisira pa ang aking ngipin.
25.
Ilang demonyo’y dumating paminsan-minsan
Nagtatanong bakit nais kong maghirap
Gayong tanging dapat kong gawin ay isuko
Ang aking kaluluwa sa habag ng Diyablo.
Minsan akong sabihan na tumakbo para sa asambleya
Ng mga demonyo, sakot ko’y paano ako tatakbo
Gayong di man lako makalakad sa selda ko.
Pagkatapos, sila ma’y tumigil na sa pagdating
Para hayaan akong maghirap nang walang tigil
Sa liyab ng sunud-sunod na tag-init.
26.
Habang ako’y tumatangging ipagbili o ipamigay
Ang kaluluwa ko sa Dyablo, ang kanyang pakana
Na pahirapan at patayin ito nang dahan-dahan
Sa paggapos ng aking katawan sa pagpapahirap,
Pag-amba ng espada ng kamatayan
At pagbantang hahayaan itong tumarak
Sa paraang pormal o impormal.
Subalit pakana’y walang saysay
Habang ang pighati ng solitaryong nakakadena
Bunsod ay mapanuksong dulugan kahit kamatayan.
27.
Nilalabanan ko ang pagkabagot,
Ang pag-ipon ng agting sa aking katawan at isip
At ang pasumpong na halina na kitilin ang sarili.
Patuloy akong kumakatha at bumibigkas ng tula
Para sumpain ang Dyablo at mga demonyo.
Lagi kong ginugunita ang mga larawan
Ng aking mahal, nagdurusa subalit nananaig;
Ng aming mga anak, malaya at mabilis lumalaki;
Ng masa ng naghihiganting mga anghel
Armado ng pinakamatalas na espada.
28.
Bawat araw na magdaan ay araw na napagtagumpayan,
Nagpapataas ng kapasyahan at katatagan.
Inaabangan ko ang pagkukunwari ng Dyablo:
Ihaharap ako sa hukuman niyang palabas
At ipagbubunyi siya ng mga demonyong huwes
Bilang kataas-taasang mambabatas, tagahuli, tagapagpahirap
Tagausig, huwes at berdugo.
Matapos ang mahabang panahon ng pagkakakadena, makakaupo ako
Sa tabi ng aking mahal sa harap ng mga demonyong huwes
At ipababatid sa mamamayan ang dinanas naming pahirap.

29.
Ang magsalita tungkol sa pahirap pagkapangyari ng lahat
Ang magsalita tungkol sa isang oras na panununtok,
Napakaraming ipinagkait na pagkain at oras ng pagtulog
Anim na oras ng pananakal ng tubig
Labingwalong buwan ng pagkakagapos
At napakaraming taon ng masikip na seklusyon,
Ay di kailanman sasapat sa paliwanag ng pagdurusa.
Ang Dyablo at mga demonyo ay di kailanman magsasabi
Sa biktima kung kailan matatapos ang pananakit
Habang nagbabanta sila ng ibayong sakit at kamatayan.
30.
Gayunpama’y maliit ang aking hirap at dusa
Habang iniisip ko silang higit na naghihirap
Sa dahas ng araw-araw na pagsasamantala
At pagragasa ng lagim sa bayan.
Minamaliit ko ang aking hirap at dusa
Habang iniisip ko ang mamamayang lumalaban
Para sa kanilang katubusan at kalayaan
At pinaghihiganti ang dugong ibinuwis ng mga martir.
Mimanaliit ko ang aking hirap at dusa
Habang umaasa akong makaambag pa sa pakikibaka.

Disyembre 1979

Pair of poems: Pearl & Gold

$
0
0

PEARL

By Jose Maria Sison

In the gloomy depths of the ocean,
Pearl is formed by salted pain
In the tenderness of the oyster
In utter cold, under the weight
Of the water mountain of affliction.

The diver cannot reach the pearl
Without weighing himself down,
Without the endurance and painful labor,
Without the keenness of vision
Through the gloom under pressure.

The pearl is the lustrous fruit
Of the oyster’s mighty struggle.
It is also a glowing eyeball,
A witness to the diver’s effort.
Snatched from the jaws of fathoms,
It becomes a centerpiece of triumph.

12 April 1978

PERLAS

Sa mapanglaw na ilalim ng dagat
Binubuo ang perlas ng naasinang kirot
Sa kalambutan ng talaba
Sa sukdulang lamig, sa ilalim ng presyon
Ng bundok-tubig ng dusa.

Hindi maaabot ng maninisid ang perlas
Nang wala siyang pabigat
Nang walang pagtitiis at mahirap na paggawa,
Nang walang matalas na pagtinging
Tumatagos sa panglaw sa ilalim ng presyon.

Ang perlas ay makinang na bunga
Ng puspusang pakikibaka ng talaba.
Ito ri’y makinang na mata,
Saksi sa pagsisikap ng maninisid.
Dahil Inagaw sa panga ng kailaliman,
Nagiging tampok na hiyas ng tagumpay.

12 April 1978

GOLD

By Jose Maria Sison

In the dark bowels of the earth,
Under the mountain of pressure,
That gathers the heat of the sun,
Gold is trapped and imprisoned
But gleams with collected fervor.

The miner cannot reach the ore
Without making a deepgoing shaft,
Without exerting painful labor,
Without a long-lasting lamp
Through darkness under pressure.

Fiery furnace and acid bowl
Remove dross and refine gold.
Then the fashioning tools turn
To make the crown of triumph
That is the lofty glory of the nation.

12 April 1978

GINTO

Ni Jose Maria Sison

Sa mapanglaw na kailalaiman ng lupa
Sa presyon ng bundok
Na nag-iipon ng init ng araw
Ang ginto’y nabibitag at nabibihag
Ngunit kumikislap sa natipong alab.

Hindi maaabot ng minero ang ginto
Kung hindi huhukay ng malalimang tunel
Kung hindi puspusan ang mahirap na paggawa
Kung walang lamparang nagtatagal
Sa karimlan sa ilalim ng presyon.

Ang maapoy na pugon at mangkok ng asido
Ang nagpapalis sa dumi at nagpipino ng ginto
Pagkatapos, Iikot ang mga gamit panghugis
Upang gawin ang korona ng tagumpay
Na siyang matayog na kaluwalhatian ng bansa.

12 April 1978

Welcome the unwelcome

$
0
0

By Jose Maria Sison

Long before you come,
You rattle your sabres
Made in some alien land,
You boast of your ill intent
Against the toiling masses.

Come as you please
In whatever strength,
We watch your parade
From the simple and easy start
To the complex and difficult paths.

Our welcome is even readier
When we hear your air power
Thundering and stirring the winds
And the rumbling of trucks
Before you can creep on us.

We see your columns in advance
And if we are unable to make
A crowded grand reception,
We make a simple welcome
Without ceremony for you.

But there can be tokens of welcome
To our alluring home ground,
Outbursts from the roadside
And under your wheels and feet
And precision shots from wherever.

If still your strength is such
That you can encamp long,
We will continue the fireworks
To make you dance, lose sleep
And get worn out before you leave.

When you decide to leave,
We gladly take our turn to close in
And give you the biggest fireworks
Of farewell and thank you
For leaving gifts to us.

While you focus on small parts
Of our wide home ground,
We can take full initiative
And choose your weak points
Somewhere else to wipe them out.

On any day or any night,
We can tickle your weak point
To lure you into a grand reception
Along the most perilous routes
Or to hit another point beyond your guess.

Why do we welcome the unwelcome?
You bring to us what we need,
You save us time and sweat
To collect the means to become stronger
Before seizing your palace in the city.

The post Welcome the unwelcome appeared first on Jose Maria Sison.

POEMS IN HONOR OF ANDRES BONIFACIO IN PILIPINO & ENGLISH BY JOSE MARIA SISON

Saudações vermelhas, camarada Sison!

$
0
0

Saudações vermelhas, camarada Sison! July 31, 2014 at 2:10am Saudações vermelhas, camarada Sison Herói do povo filipino, Como Andres Bonifácio, e Crisanto Evangelista Obrigado por dar sua vida,Sabedoria, coragem e decisão Para avançar a Revolução, Do proletariado e do povo Saudações vermelhas, camarada Sison, Por seus grandes feitos Saudações vermelhas, camarada Sison, Viva você! Viva […]

The post Saudações vermelhas, camarada Sison! appeared first on Jose Maria Sison.

Viewing all 26 articles
Browse latest View live